^

PSN Palaro

Bulls pinigil ang Sand Kings para sumalo sa liderato

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Nagbaga ang mga batters ng nagdedepensang Ba­tangas para mailista ang ikalawang sunod na pa­nalo sa pamamagitan ng 9-3 tagumpay sa Pampanga sa pagpapatuloy kahapon ng Dunkin’ Donut Baseball Philippines Series VI kahapon sa Alabang Country Club sa Muntinlu­pa City.

Kumawala ng 11 hits ang Bulls batters at pinangu­nahan sila ni Justine Zialcita na humataw ng four hits sa limang at bat.

Naghatid din siya ng li­mang runs at dalawa nga rito ay ginawa sa pangalawang inning upang itulak ang Batangas sa 4-0 kalamangan na nagtiyak na ng tagumpay.

Maliban sa hitting ay inin­­da rin ng Sand Kings ang pitong errors na ginawa sa laro upang mabigo sa hangaring madugtungan ang impresibong 7-5 unang panalo na kinuha sa Manila nitong Sabado.

Nilimitahan din ng tatlong pitchers ng Bulls na sina Amber Plaza, Mark Ong at Romeo Jasmin sa anim na hits ang Pampanga upang malaglag sa 1-3 karta at malagay sa a­langanin ang hangaring makaabante sa semis sa anim na team na liga.  

vuukle comment

ALABANG COUNTRY CLUB

AMBER PLAZA

BATANGAS

DONUT BASEBALL PHILIPPINES SERIES

JUSTINE ZIALCITA

MARK ONG

PAMPANGA

ROMEO JASMIN

SAND KINGS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with