^

PSN Palaro

Simula na ng aksyon sa Nat'l Open, 17 gold nakataya

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Siyam na ginto sa kabu­uang 17 itataya ang pag­la­labanan sa elite category sa pagsisimula ng 2010 Milo National Open Track and Field Championship ngayon sa Rizal Memorial Track Oval.

Si POC president Jose Cojuangco Jr. ang siyang inim­bitahan upang maging panauhing pandangal sa pag­bubukas ng kompetis­yon na itinakda ganap na alas-2 ng hapon.

Sina PSC chairman Harry Angping na nagbigay ng tulong sa tatlong araw na kompetisyon, at da­ting PSC chairman Philip Ella Juico ay inimbitahan din upang makiisa sa sere­monya.

Ang mga gintong paglalabanan sa elite ay sa lara­ngan ng 5,000m run, 110m hurdles at hammer throw sa kalalakihan at 3,000m steeplecase, pole vault, high jump, discus throw, long jump at 1,0000m run sa kababaihan.

Mga pambatong mana­nakbo ng PATAFA bukod pa sa ilang dayuhan at mga junior athletes ang magpapasiklaban sa kompetisyon na maglalayong sukatin ang husay ng mga elite athle­­tes na maghahangad na mapasama sa Asian Ga­mes sa Guangzhou, Chi­na.

Ang mangunguna sa karera para sa gintong me­dalya sa elite ay si Eduardo Buenavista, ang multi-titled trackster na inaasahang tatakbo sa 5000m run.

 Ang mga dayuhang kalahok ay magmumula naman sa Chinese Taipei, Korea, Sabah, Malaysia at US.

 Si Ashley Jones ang natatanging kalahok ng US na kasali sa torneo na mag­­­ta­tapos sa Linggo.

vuukle comment

ASIAN GA

CHINESE TAIPEI

EDUARDO BUENAVISTA

HARRY ANGPING

JOSE COJUANGCO JR.

MILO NATIONAL OPEN TRACK AND FIELD CHAMPIONSHIP

PHILIP ELLA JUICO

RIZAL MEMORIAL TRACK OVAL

SHY

SI ASHLEY JONES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with