^

PSN Palaro

Lady Tigresses vs Stags sa Finals

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Kinumpleto ng University of Santo Tomas ang pag­bangon buhat sa 0-1 pagkakalubog nang maiuwi ang 25-19, 21-25, 25-17, 25-18, panalo laban sa Ly­ceum sa do-or-die semifinals game sa Shakey’s V-League Season 7 sa The Arena sa San Juan.

Nagpakitang-gilas uli si Aiza Maiza at nasuporta­han siya uli ng mga kakamping sina Mary Jean Balse, Michelle Carolino at Maika Ortiz para makapasok sa championship round sa ligang inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Shakey’s V-League at iprinisenta ng PLDT my­DSL.

“Kung ano ang ginawa namin sa practice para sa larong ito ay siyang ginawa ng mga players. Sa opensa talaga kami nag-focus at ma­saya naman akong nag-click ang diskarteng ito,” wika ni Lady  Tigresses assistant coach Vilet Ponce De Leon.

May 18 puntos si Maiza kasama ang 11 hits para pamumuan ang UST sa iti­nalang 2-1 panalo sa Lyceum at makapasok sa finals sa lahat ng edisyon ng ligang suportado rin ng Mikasa, Accel at Mighty Bond.

Matapos makatabla ang Lady Pirates sa second set ay muling nagtulong-tulong ang mga kamador ng UST sa sumunod na dalawang set para makuha ang ta­gumpay at karapatang la­ba­nan ang San Sebastian na naunang umusad sa Finals sa pamamagitan ng 2-0 sweep sa Ateneo.

Ito ang ikalimang pagkakataon na makakaharap nila ang Lady Stags sa cham­pionship game at mag­sisimula ang best-of- three finals sa Linggo.

“Iba ang San Sebastian dahil marami silang scorers kaya dapat na mag-adjust kami sa depensa,” wika pa ni Ponce De Leon.

Si Joy Cases ang bumandera sa Lady Pirates sa pinakawalang 19 puntos kasama ang 18 kills habang si Thai import Porntip Santrong na gumawa ng 35 puntos sa Game One na kanilang inangkin ay nalimitahan uli sa 17 puntos lamang.

Maliban sa mahinang net game ininda rin ng Lady Pirates ang mga naitalang errors kasama nga ang ser­vice error ni Kaily Penamante na siyang tumapos sa sagupaan.

vuukle comment

AIZA MAIZA

GAME ONE

KAILY PENAMANTE

LADY PIRATES

LADY STAGS

MAIKA ORTIZ

MARY JEAN BALSE

MICHELLE CAROLINO

SAN SEBASTIAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with