^

PSN Palaro

Gomez pasok sa ko stage sa Nevada Pool

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Nagpakita ng tikas ng paglalaro si Roberto Go­mez upang maibandera ang kampanya ng Pilipinas sa group elimination sa 20­10 Party Poker World Pool Masters na nilalaro sa Riviera Hotel and Casino sa Las Vegas , Nevada.

Si Gomez na tinagu­riang “Superman” at naglalaro para sa Bugsy Promotions ang unang Pinoy na nakapasok sa knockout sta­ge nang makaabante buhat sa winner’s group.

Naglaro sa Group 2, unang kinalos ni Gomez si Earl Strickland ng US , 9-5, bago isinunod si Huidje See ng Netherlands , 9-8.

Hindi naman pinalad na manalo ang iba pang bi­gating cue artist ng bansa tulad nina Efren “Bata” Re­yes, Francisco Bustamante at Ronato Alcano nang ma­patalsik ang mga ito sa tor­neo.

Si Reyes ay yumukod kay Thorsten Hohmann ng Germany, 6-9, at tuluyang namaalam sa isa pang 6-9 kabiguan kay World 9-ball cham­pion Daryl Peach ng Great Britain sa Group 3.        

Sina Bustamante at Alcano ay naglaro naman sa Group 4 at natalo agad sa unang laro kontra kina Do Hoang Quang ng Vietnam (8-9) at Tler Edey ng Canada (4-9) ayon sa pag­kakasunod.

Si Bustamante ay na­ngi­babaw kay Alcano, 9-6, sa losers bracket pero hindi napanatili ang tibay ng pag­lalaro nang bumagsak ito kay Oliver Ortmann ng Germany , 3-9.

Bubuksan naman nina Dennis Orcollo at Lee Van Corteza ang kampanya sa torneong magbibigay ng $20,000 unang gantimpala buhat sa kabuuang $100,000 premyo.

Sa Group 5 lalaro si Or­collo at unang laban kontra kay Shaun Wilkie ng USA habang si Corteza ay magbubukas aksyon kon­tra kay Carlos Cabello ng Spain sa Group 6.

vuukle comment

ALCANO

BUGSY PROMOTIONS

CARLOS CABELLO

DARYL PEACH

DENNIS ORCOLLO

DO HOANG QUANG

EARL STRICKLAND

FRANCISCO BUSTAMANTE

GREAT BRITAIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with