^

PSN Palaro

Lady Falcons top seed sa Group B

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Kinuha ng Adamson ang pangunguna sa Group B sa idinadaos na Shakey’s V-League Season 7 nang manalo sila sa mahigpitang five sets laban sa Ateneo sa pagtatapos ng quarterfinals nitong Huwebes sa The Arena sa San Juan.

Sina Nerissa Bautista at Angela Benting ang siyang kumamada nang husto kasama ang mahala­gang puntos sa ikalima at huling set tungo sa 18-25, 25-17, 25-21, 21-25, 15-12, tagumpay.

Nagkatabla ang mag­ka­bilang panig sa 3-1 karta pero nakuha ng Lady Falcons ang unang puwesto sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT My DSL sa suporta ng Shakey’s Pizza gamit ang winner over the other rule.

Nagsanib sa 48 puntos sina Bautista at Ben­ting habang nag-ambag pa ng 13 at 11 sina Paulina Soriano at Charmaine Moralde na pinagtibay pa ang hangaring mahi­gitan o malampasan ang paglapag sa pangalawang puwesto sa UST sa nagdaang conference.

Nasayang naman ang 27 hits, kasama ang 25 kills ni Sontaya Keawbundit para sa Eagles na pumangalawa sa kanilang grupo.

Ang quarterfinals ng torneong suportado rin ng Accel, Mikasa at Mighty Bond ay sisimulan bukas na katatampukan ng pagtutuos ng San Sebastian at Lyceum at UST kontra St. Benilde.

vuukle comment

ANGELA BENTING

CHARMAINE MORALDE

GROUP B

LADY FALCONS

MIGHTY BOND

PAULINA SORIANO

SAN JUAN

SAN SEBASTIAN

SHAKEY

SINA NERISSA BAUTISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with