^

PSN Palaro

Realtors ibinalik ni Williams sa porma

- Mae Balbuena -

MANILA, Philippines - Sa pagbibida ni Kelly Williams, bumangon ang Sta. Lucia Realty mu­­la sa dalawang su­nod na talo matapos igu­­po ang kulelat na Coca-Cola, 98-88 sa pag-usad ng KFC PBA Philippine Cup na dumako sa Ynares Center sa Antipolo kagabi.

Lumayo ang Real­tors ng hanggang 14-puntos sa ikaapat na quarter, 85-71 matapos ang 11-2 run na si­nelyuhan ng basket ni Kelly Williams, 7:11 mi­­nuto na lamang ang nalalabing oras sa laro na hindi na natibag pa ng Coke.

Sumulong ang Real­tors, pinangunahan ni Williams na tumapos ng 23-puntos at humakot ng 17 rebounds sa 6-5 win-loss slate habang lalong nabaon ang kulelat na Coca-Cola na lu­­masap ng ikawalong sunod na talo bunga ng 1-11 kartada.

Sa unang laro, hindi naman pinagbigyan ng Ba­rako Bull ang guest team Smart Gilas sa ka­nilang no bearing game, 96-91.

Habang sinusulat ang balitang ito, naglalaban ang defending champion Talk N Text (7-4) at Burger King (4-7) bilang main gamekagabi.

Sta.Lucia 98--Williams 23, Urbiztondo 22, Yeo 14, Daa 11, Omolon 9, Aquino 6, Waters 4, Mi­solas 4, Reyes 3, Mendoza 2, Pacana 0.

Coke 92-- Cabagnot 15, Rizada 13, Macapagal 13, Espino 12, Calimag 8, Taulava 8, Cruz 7, Gonzales W. 6, Gonzales N. 4, Rodriguez 3, Bono 3.

Quarterscores: 24-24, 49-45, 72-65, 98-92.

vuukle comment

BURGER KING

COCA-COLA

GONZALES N

GONZALES W

KELLY WILLIAMS

LUCIA REALTY

PHILIPPINE CUP

SHY

SMART GILAS

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with