^

PSN Palaro

JRU dumikit sa twice-to-beat

-

MANILA, Philippines - Upang mapanatiling buhay ang kontensyon sa twice to beat bonus ng semis, bumulusok ang last year’s runner-up Jose Rizal U nang iwanan sa huli ang guest team na Emilio Aguinaldo College, 97-61 para bumiyahe patungo sa titulo ng 85th NCAA tournament sa The Arena, San Juan City.

Humulagpos ang pinakamaugong na kandidato sa MVP race, nagsalansan ng 29 points, 7 rebounds, 2 assists at 2 steals si John Wilson upang sikwatin ang 15th panalo nito at tapusin ang elims na nakapuwesto sa ikatlong silya.

“It’s an accomplishment for Jose Rizal to have won 15 games, it’s a school record and this makes it special for everyone of us,” wika ni Jose Rizal coach Ariel Vanguardia.

Bagamat nasa No. 3 slot, maari pang makatabla ang Bombers sa reigning three peat San Beda (15-2) kapag natalo ang Lions sa duelo nito kontra San Sebastian sa Lunes.

Kapag nangyari ito, magkakaroon ng sagupaan para sa No. 2 slot ang Bombers at Lions, at mag-aagawan rin sila para sa importanteng Final Four incentive.

Kung hindi man, magtatagpo ang landas ng Stags at Lions para maghahamunan sa playoff para sa top seeding na lalaban sa Letran Knights na na-ngangailangan na lamang ng isang panalo upang umabante sa best-of - three championship.

Sa inisyal na laban, umasa ang napatalsik na Mapua sa 19 points produksyon ni Erwin Cornejo na dumurog sa College of St. Benilde, 68-56 upang iposte ang ikalima nitong sunod na panalo.

Para sa aksiyon sa juniors, dinaig ng Jose Rizal ang EAC, 94-45 at hiniya ng CSB ang Mapua, 93-59. (Sarie Nerine Francisco)

vuukle comment

ARIEL VANGUARDIA

COLLEGE OF ST. BENILDE

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

ERWIN CORNEJO

FINAL FOUR

JOHN WILSON

JOSE RIZAL

JOSE RIZAL U

LETRAN KNIGHTS

MAPUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with