Subayno sa Butuan City; Dinaming sa Santiago

MANILA, Philippines - Iniwanan ni Fernando Subayno ang dalawang kalaban sa huling  nine kilometers upang makopo ang  Butuan leg ng  33rd National MILO marathon elimination kahapon na nagsimula at natapos sa  Saint Joseph Church.

Ang 25-gulang na magbubukid mula sa  Sibagat, Agusan del Sur na limang beses nang tumakbo sa karerang ito ay nakalayo kina Angelito Sibayan at Jobert  Carolino, para tapusin ang karera sa loob ng isang oras, 14-minuto at 58 segundo.

Sa  Santiago City, Isabela, nanalo si Francisco Dinaming sa oras na 1:16.49, ngunit ‘di umabot sa 1:15.00 qualifying standard sa men’s division. Ngunit nag-uwi pa rin ito ng  P10,000 at trophy.

Walang pumasok sa finals sa women’s side dahil walang umabot sa1:35.00 time limit na itinakda ng  organizers.

Naorasan si Sibayan, criminology graduate sa University of Mindanao, ng 1:16.08 at si Carolino, 24 mula sa Tagum, Davao del Norte, ay 1:17.52.

Nakihati sa limelight si Michell Ann Azarcon,  government employee na may asawang driver, sa pangunguna sa women’s side sa oras na 1:36.00. ngunit hindi umabot sa 1:35.00 qualifying standard sa women division.

Show comments