^

PSN Palaro

Arellano tinuruan ng leksiyon ng San Beda

-

MANILA, Philippines - Buong lakas na ginupo ang kalaban, pinakitaan ng San Beda College ang guest team na Arellano University at pinaalam kung saan ito nararapat lumugar matapos paluhurin sa 102-74 panalo ang bagitong koponan upang muling idepensa ang pinang- hahawakang four peat bid sa 85th NCAA basketball tournament sa The Arena, San Juan City.

Para pangunahan ang Red Lions, kumamada ng umaatikabong 20 points si Garvo Lanete habang ang iba pang kaalyado na sina Borgie Hermida, American Sudan Daniel at Jay-R Taganas ay nagtulong tulong upang makagawa ng tig 14 puntos na produksyon sa panalo kahapon.

Ang panalong ito ang ginawang sandata ng San Beda upang matabunan ang kahihiyang tinamo nito sa kamay ng San Sebastian noong nakaraang Linggo, 77-83.

“Its all about preparation we prepared our team to come out strong we played solid defense how to defend their shooters and we’re pretty successful on that,” ani San Beda coach Frankie Lim.

Samantala, sa unang laban, pinakilala ng Angeles University ang sarili sa liga sa pamamagitan ng paggapi sa kapwa guest team na Emilio Aguinaldo College, 86-75.

Kumana si Aaron Santos ng 29 points kabilang ang pagbulusok ng limang tres, tuluyan nang inangkin ng AUF ang kanilang unang panalo sa torneo.

Sinuportahan ni Matt Carney, nakapag-ambag ang Fil Am cager ng 24 puntos at 7 rebounds para sa tropa ni coach Eric Gascon. 

Para sa Generals, nakakalungkot na ito ang ikalawang sunod na pagkatalo ng EAC na umasa lamang sa scoring nina Russell Yaya, Argell Mendoza at John Santos na kumonekta sa pamamagitan ng 21, 19 at 15 points ayon sa pagkakasunod.

Sa juniors division naman, winalis ng San Beda ang Arellano, 106-51 upang ikubra ng three straight wins, habang binaligtad ang pangyayari sa Seniors, pinataob ng EAC High School team ang AUF, 78-62. (Sarie Nerine Francisco)

vuukle comment

AARON SANTOS

AMERICAN SUDAN DANIEL

ANGELES UNIVERSITY

ARELLANO UNIVERSITY

ARGELL MENDOZA

BORGIE HERMIDA

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

ERIC GASCON

FIL AM

SAN BEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with