UCI umalma na sa pamamalakad ng POC

MANILA, Philippines - Ang Union Cycliste Internationale (UCI), ang world cycling organization, ang unang international sports body na umalma sa pamamalakad ng Philippine Olympic Committee (POC) sa mga National Sports Associations (NSA)s.

Hiniling kamakalawa ni Tagaytay City Mayor Abraham “Bambol” Tolentino, ang bagong pangulo ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling), sa UCI ang suporta nito sa kanyang liderato.

Sa kanyang liham na may petsang Abril 30 sa POC, pinagtibay ni UCI president Pat McQuaid ang kanilang pagkilala sa pamamahala ni Tolentino sa PhilCycling na dating nasa ilalim ni Bert Lina.

Kamakailan ay nagtakda si POC president Jose “Peping” Cojuangco, Jr. ng eleksyon ng PhilCycling sa Mayo 9 kung saan ipinag-utos nito na tanging ang mga miyembro noog 2003 ang maaaring bumoto.

Si Tolentino ay hindi pa miyembro ng PhilCycling.

“We were surprised by your letter concerning the situation of cycling in the Philippines. As you are all aware, the UCI and the ACC recognize the PhilCycling of which Mr. Tolentino was elected president on 16 June 2009,” ani McQuaid sa POC.

Sumulat na rin si McQuaid kay International Olympic Committee (IOC) Pere Miro, ang IOC NOC relations director, hinggil sa naturang isyu.

Bukod sa cycling, pumalag na rin sa pamamalakad ni Cojuangco ang wushu, badminton, archery, bowling, swimming, wrestling, billiards and snooker, dragonboat at equestrian na asosasyon mismo ni Cojuangco.

“The POC belongs to the General Assembly of the National Sports Associations and the POC Executive Board was created by the NSAs,” ani billiards and snooker congress chairman Yen Makabenta. (Russell Cadayona)

Show comments