^

PSN Palaro

Tubid, naasahan nang kailangan

-

MANILA, Philippines - Tunay na maaasahan ng Barangay Ginebra si Ronald Tubid lalo na sa oras ng pangangailangan.

Muli itong pinatunayan ng 6-foot-1 guard nang dalhin ang Kings sa pinaka-importanteng panalo laban sa Barako Bull, 111-103, sa PBA Fiesta Conference na ginanap sa Panabo Cultural and Sports Center sa Davao.

Nagtala si Tubid ng career-high 29 puntos, kapantay ng produksiyon ng import na si Rod Nealy.

Naramdaman rin ang puwersa ni Tubid sa iba pang departamento nang kumana ito ng apat na rebound, dalawang steal at isang assist habang naging matatag na sandalan ito ng Kings para pigilan ang matinik na Barako Bull import na si Scooter McFadgon.

Nalimitahan ni Tubid si McFadgon sa 19 puntos na lubos na malayo sa nakagawiang 35 puntos kada laro.

“He gave us a lift, making big spot up shots, defending the best he can and making the right decisions,” ani Ginebra coach Jong Uichico.

Sa naturang panalo, naglista si Tubid ng 7-of-14 sa 3-point area kung saan ibinato nito ang kaniyang huling tres may isang minuto na lamang ang nalalabi tungo sa 104-95 bentahe ng Ginebra. (Chris Co)


vuukle comment

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

CHRIS CO

DAVAO

FIESTA CONFERENCE

GINEBRA

JONG UICHICO

PANABO CULTURAL AND SPORTS CENTER

ROD NEALY

RONALD TUBID

TUBID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with