^

PSN Palaro

3rd doubles title nasungkit ni Alcantara

-

MANILA, Philippines - Namintina ni Francis Casey Alcantara ang kanyang matikas na porma sa doubles competitions, sa pakikipagtambalan sa Swede na si Daniel Berta upang pataubin ang Kiwis na sina Ben at Riki McLachlan, 6-3, 6-0 at isubi ang korona ng 20th Mitsubishi-Lancer International Junior Championship sa Rizal Tennis Center nitong Sabado ng gabi.

Ito ang ikatlong doubles victory ni Alcantara ngayong taon kasama na rito ang Australian Junior Open nitong nakaraang Enero at ang ika-apat na finals appearance matapos na mag-runner-up sa Grade 1 event sa Thailand may dalawang linggo na ang nakakaraan.

Sa kabilang dako, kinumpleto ni Berta ang kanyang dobleng panalo matapos na yanigin ng sixth-seeded bet ang 15th pick na si Riki McLachlan ng New Zealand, 6-3, 6-4 upang makuha ang men’s single’s crown kahapon.

Ito rin ang ikalawang sunod na doubles na panalo ni Berta ng makipagpares siya sa 17-anyos na si Alcantara matapos madomina ang 13th Sarawak Minister’s Cup, isa pa ring Grade 1 event sa Malaysia nitong nakaraang linggo.

“It was exhausting but I just focused on having fun, it was a great week for me,” ani Berta.

Tumanggap ang Helsingborg native ng 150 singles at 150 doubles ITF points para sa kanyang panalo.

Samantala, pinangunahan naman ng Russian na si Polina Leykina ang ladies side matapos na-iposte ang 6-2, 6-4 tagumpay laban sa kababayang si Ekaterina Nikitina.

“I was confident going into this game that’s why I played well,” anang 14-year-old Leykina, Mos-cow native, na may nai-pon ng 150 singles points.

vuukle comment

AUSTRALIAN JUNIOR OPEN

BERTA

DANIEL BERTA

EKATERINA NIKITINA

FRANCIS CASEY ALCANTARA

MITSUBISHI-LANCER INTERNATIONAL JUNIOR CHAMPIONSHIP

NEW ZEALAND

POLINA LEYKINA

RIKI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with