^

PSN Palaro

Ikatlong sunod na panalo kinana ng RP belles

-

MEDAN, Indonesia --Inilista ng Xtreme RP team ang kanilang ikatlong sunod na panalo makaraang bugbugin ang Singapore, 68-50 sa 19th FIBA Asia under-18 ladies championship sa Angkasa Lanud Hall noong Miyerkules.

Bagamat mabagal ang naging simula ng RP belles, hindi nagkaroon ng problema ang mga Pinay na dispatsahin ang Singaporean at makausad papalapit sa playoff at pag-usad sa Level 1 play sa susunod na edisyon ng biennial Asian Junior ladies tilt.

Gayunpaman, nahaharap sa mas mabigat na pagsubok ang RP belles sa penultimate game nila sa preliminary kontra sa malakas na Kazakhstan ngayon.

Ang Kazakhs (2-0) at Thais (2-1) ay kasalukuyang naglalaban pa habang sinusulat ang balitang ito. ‘

Muling binanderahan ng team captain na si Kat Sandel ang RP belles sa kanyang kinamadang 25 puntos habang nag-ambag naman si Raiza Rose Palmera ng 18 puntos.

vuukle comment

ANG KAZAKHS

ANGKASA LANUD HALL

ASIAN JUNIOR

BAGAMAT

GAYUNPAMAN

INILISTA

KAT SANDEL

KAZAKHSTAN

MIYERKULES

RAIZA ROSE PALMERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with