^

PSN Palaro

Tropang Texters

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Maganda itong naisip ng Talk n Text na pag-papalit ng monicker buhat sa Phone Pals tungo sa Tropang Texters.

Palasak na rin naman kasi nag katagang Phone Pals at hindi na ‘in.’ At medyo elitista ang dating.

Usong-uso naman ngayon ang mga katagang “tropa” at “texter” kaya kung sino man ang nakaisip ng pagpapalit ng monicker ay dapat i-congratulate. Magandang marketing idea iyan at tiyak na mara-ming makaka-relate!

Kasi nga, bagamat napakalakas ng Talk N Text kung line-up ang pagbabasehan, hindi ganoong karami ang fan base nito. Ayon nga sa survey ay nasa ikapito hanggang ikasampu sila sa mga koponan kung popularidad ang pag-uusapan.

Natural na hindi lang naman kampeonato ang gustong makamtan ng Talk N Text sa PBA, e. Si-yempre, gusto nitong palakasin ang fan base.

Oo’t malaki ang maitutulong sa team kapag nag-kampeon ito. Pero panandalian lang iyon, e. Kasi, pagkatapos manalo ng titulo, sabak na naman sa susunod na conference. Kaunting panahon lang mananatili sa isipan ng mga fans ang pangyayaring nagkampeon ang kanilang koponan.

E, kung hindi ka fan ng Talk N Text, mas madali mong malilimutang nagkampeon ang team, hindi ba?

Pero kung bukod sa kampeonato ay catchy pa ang monicker ng team, natural na pangmatagalan ang “recall.” Kahit na tapos na ang panahon ng pagkakam-peon, naalala pa rin nila ang Talk N Text dahil sa bumabaon sa kanilang isipan ang monicker ng team.

Two-pronged ang atake ng Talk N Text sa season na ito. Bukod sa nais nilang ma-attract ang mga fans sa kanilang bagong monicker, siyempre gusto ng pamunuan na sa wakas ay mapatunayan nila na talagang sila ay isa sa mga “teams-to-beat.”

Mataas kasi palagi ang expectation sa Talk N Text taun-taon. Kasi sa isipan ng madla ay sobra ang lakas ng line-up nito.

Pero ngayon ay kumuha si coach Vincent “Chot” Reyes ng mga playes na hindi lang para sa kasalu-kuyan kundi para sa kanilang kinabukasan.

Kumbaga’y nag-invest na ang Talk N Text sa future nito sa pagkuha ng apat na rookies - Jared Dilinger, Jason Castro, Rob Reyes at Pong Escobal - na susun-dan ng mga batang fans hanggang sa sila’y tuluyang maging superstars.

Agresibo ang Talk N Text ngayon at malamang na magbunga na ito ng maganda!

vuukle comment

JARED DILINGER

JASON CASTRO

KASI

PERO

PHONE PALS

PONG ESCOBAL

TALK

TALK N TEXT

TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with