Orcollo, 3rd lang sa The Million Dollar 9-Ball shooutout
() - August 12, 2008 - 12:00am

Nabigo si World No.1 Dennis Orcollo na masustina ang mainit na pananalasa nang yumuko ito kay dating world 10-ball champion Shane Van Boening, 13-8 sa semi-finals ng The Million Dollar 9-Ball Shootout sa Valle Forge Convention Center sa Penn-sylvania sa Amerika.

Dahil sa kabiguang ito ni Orcollo, nabigo din ang Pinoy na kanyang ikaapat na korona at makuntento na lamang sa premyong $10,000 at sosyo sa third place na tinapos kasama ang kababayang si Francisco “Django’ Bustamante na natalo kay American Corey Deuel, 13-6, sa isa pang Final Four match.

TInalo naman ni Van Boening si Deuel, 13-7, sa finals upang pagharian ang 12-man, five-day event at ibulsa ang halagang $20,000. Naisubi naman ni Deuel ang $12,000 runner-up purse.

“Sayang, hindi ako inayu-nan ng bola,” ani Orcollo, na nauna nang nagwagi sa  Quezon City 9-Ball Champion-ship,  Japan Open at Qatar International 9-Ball tilt.

Ang kanyang susunod na laban ay sa US sa International Challenge of Champions, sa $50,000 winner-take-all event  na tatampukan ng walong pinaka-mahuhusay na players ng mundo sa August 14 at 15 sa Mohegan Sun Casino sa Uncasville, Connecticut.

AMERICAN COREY DEUEL BALL SHOOTOUT DENNIS ORCOLLO DEUEL FINAL FOUR INTERNATIONAL CHALLENGE OF CHAMPIONS MILLION DOLLAR MOHEGAN SUN CASINO
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with