^

PSN Palaro

May posibilidad ang misyon ng Pinoy shooter

-

BEIJING –  Hindi puntirya ni Eric Ang ang buwan ngunit ibibigay niya ang lahat ng kanyang kakayahan sa kanyang pagtatangka ng puwesto sa six-man finals mula sa 32 elite shooter ng buong mundo sa panimula ng clay shooting competitions sa Beijing Shooting Range dito.

Ang maka-iskor  ng maximum na 125 birds o higit pa ang layunin ng 37 anyos na si Ang na nahaharap sa mabigat na laban sa kanyang career sapul nang magwagi ito ng silver medal sa Busan Asian Games noong 2002, gold sa Vietnam SEA Games at isa pang gold sa sumunod na SEA Games.

Ang pinakamatanda sa Philippine team, nagmintis si Ang sa Olympic slot ng  isang puntos noong nakaraang taon sa Kuwait Asian Championships. Sa pre-Olympic Shooting Championships sa Beijing, pang 24th ito sa 94 entries at hindi sumuko para makaasinta sa Beijing Olympics.

Sumali ito sa World Cup sa Germany, isa pang qualifying event para sa Olympics, ngunit hindi rin ito nakapasa sa qualifying standard ng maliit na puntos lamang.

Pampito itong nagtapos sa kompetisyon ngunit ang kanyang personal best na 121 points ay dalawang puntos na layo lamang sa nagkampeon.

“It was my first time to shoot that great,” ani Ang. “My goal now is to be mentally and physically prepared because I  will be up against the sharp shooters of the world.”

Si Ang ay kasama sa ika-apat na grupong magpaputok ng kanilang baril sa ganap na alas-9 ng umaga para sa unang tatlong rounds ng elimination. (Gerry Carpio)

BEIJING OLYMPICS

BEIJING SHOOTING RANGE

BUSAN ASIAN GAMES

ERIC ANG

GERRY CARPIO

KUWAIT ASIAN CHAMPIONSHIPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with