^

PSN Palaro

Pacman aminadong naging kumpiyansa

-

LOS ANGELES -- Buong umaga ng Linggo ay tumanggap ng bisita si Manny Pacquiao, pumirma ng mga autographs at nag-pakuha ng litrato sa kanyang mga fans sa kanyang  Mandalay Bay suite,

Nagdesisyon si Pacquiao na bumalik na sa Los Angeles. “Wala nang magawa dito, Wala na akong balak mag-casino,” aniya.

Alas-3:00 ng hapon, ang malaking entourage ni Pacquiao na halos 50-katao na kumasya sa 12-sasakyan ay bumiyahe pa-tungong L.A. ngunit nagkaroon ng stopover sa bahay ng isa sa kanyang malapit na kaibi-gan na si  Dr. Allan Recto kung saan dagsa din ang mga fans na pinagbigyan din niya.

Pinanuod ni Pacquiao ang kanyang laban at nananghalian ng chicken afretada, kanin at nag-desert.

“Nahirapan talaga ako sa sugat ko,” kwento ni Pacquiao. “Ang unang kong sinabi kay (assistant trainer) Buboy (Fernandez) halos hindi ako makakita.” Nagkasugat sa mata si Pacquiao sa ikawalong round bunga ng malakas na right straight ni Juan Marquez.

“Kung hindi dahil sa cut ko, baka hindi tumagal ang laban ng 12-rounds. Medyo naging kumpiyansa ako nung mapatumba ko siya sa third round, Nung na-cut ako, sinisisi ko ang sarili ko dahil naging over-confident ako,” sabi pa niya.

Nagpatuloy ng biyahe dakong alas-4:00 ng hapon at isang hinto pa sa Barstow, kalagit-naan ng 300-mile na biyahe at nakarating sa kanyang La Palazzo apartment bago mag-alas-10:00 kung saan ilan beses pa niyang pinanood ang kanyang laban. (ACordero)

vuukle comment

DR. ALLAN RECTO

JUAN MARQUEZ

LA PALAZZO

LOS ANGELES

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with