^

PSN Palaro

Tagumpay, kabiguan at kontrobersiya sa PBA

-

Tagumpay, kabiguan, kontrobersiya at kalung-kutan ang bumalot sa Philippine Basketball Association sa taong ito.

Ang tagumpay ay pa-ra sa Barangay Ginebra at Alaska Aces na nag-kampeon sa dalawang kumperensiya ng 2006-2007 PBA season.

Tinalo ng Gin Kings ang kapatid na kumpanyang San Miguel Beer na nagdadala na ng pangalang Magnolia Beverage Masters ngayon upang makopo ang titulo sa Philippine Cup noong Peb-rero matapos ang 4-2 panalo sa best-of-seven series.

Buwan ng Hulyo nang muling makatikim ng kam-peonato ang Alaska, ang dominanteng team noong dekada 90, matapos igupo ang Talk N Text sa 4-3 sa kapana-panabik na best-of-seven serye.

Tinanghal na Most Valuable Player si Willie Miller.

Marami ding naging kontrobersiyal na trades kung saan kinailangan ng PBA na rebisahin ang kani-lang rules at magpatupad ng mga bagong alituntunin.

Ngunit ang kagulat-gulat sa lahat ay ang biglaang pagreresign ni Commissioner Noli Eala dahil sa isyung lumabas ukol sa kanyang kasong imoralidad.

Ito’y ilang araw lamang matapos ang malungkot na kampanya ng San Miguel-Pilipinas team sa FIBA Asia Cup kung saan nabigo ang bansa sa inaasam na Olim-piyada makaraang magta-pos bilang ninth place.

Ang pinakamalungkot na balita ng taon ay ang pag-panaw ni dating PBA Commissioner Jun Bernardino dahil sa atake sa puso.

Si Bernardino ang pina-kamatagal na commissioner ng liga na siyang nagpatibay ng kauna-unahang pay-for play league sa Asya.

Itinalaga ang dating kanang kamay ni Bernardino na si Sonny Barrios bilang Officer-In-charge habang wala pang nahahanap na Commissioner ang liga.

Inaasahang ihahayag na ng PBA ang ikapitong Commissioner bago matapos ang buwang ito kung saan pinagpipilian na lamang ay sina Atty. Rudy Salud at Lambert Ramos.

Kasalukuyan pang gina-ganap ang eliminasyon ng Smart PBA Philippine Cup kung saan nangunguna ang Purefoods Tender Juicy Hot-dogs at magpapatuloy ang aksiyon sa Enero 4. (Mae Balbuena)

vuukle comment

ALASKA ACES

ASIA CUP

BARANGAY GINEBRA

COMMISSIONER JUN BERNARDINO

COMMISSIONER NOLI EALA

GIN KINGS

PHILIPPINE CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with