^

PSN Palaro

Back-to-back title asam ng San Beda

-

Hindi na bibigyan pa ng nagdedepensang San Beda College ng anu-mang pagkakataon ang Letran College na mai-tulak sa Game 3 ang kani-lang championship series.

“We’ll definitely go for it. We cannot afford to lose Game 2 and let Letran seize the advantage coming into Game 3,” wika ni head coach Frankie Lim sa kanyang Red Lions, kinuha ang 76-68 tagum-pay kontra sa Knights ni mentor Louie Alas sa Game 1 noong naka-raang Miyerkules. 

Hawak ang 1-0 abante sa kanilang best-of-three championship wars, sasagupain ng San Beda ang Letran sa Game 2 ngayong alas-4 ng hapon para sa 83rd NCAA men’s basketball finals sa Araneta Coliseum.

Kagaya ni Lim, wala nang inaasahan si Alas, gumiya sa Knights sa NCAA crowns noong 1998, 2003 at 2005, na mangyayaring adjustment pagdating sa laro.

“Obviously, naibuhos na ng dalawang teams ang lahat ng strategies sa Game 1,” ani Alas. “Sigu-ro it’s just a matter of who will be able to implement his game plan and who has the will to win.”

Hindi na bago para kay Alas, naging coach ng Talk ‘N Text sa PBA, ang 0-1 deficit sa isang championship series sa NCAA. 

Noong 2005, isinuko rin ng Knights, ipinarada sina Aaron Aban, Boyet Bautista at 6-foot-7 slotman Mark Anda-ya, ang Game 1 sa Dolphins ng Philippine Christian University bago angkinin ang Games 2 at 3 patungo sa korona.

Muling ipaparada ng San Beda sina 6’8 Nigerian Sam Ekwe, Yousif Aljamal, Borgy Hermida at Ogie Menor, tumipa ng 23 marka sa kanilang panalo sa series opener, katapat sina RJ Jazul, Bryan Faundo, Rey Guevarra, Dino Daa at Reymar Gutilban ng Letran. 

Sa juniors division, target naman ng nagta-tanggol sa koronang San Sebastian Staglets ang kanilang pangatlong su-nod na titulo sa pakiki-pagtagpo sa Letran Squires sa alas-2. 

“Hindi na namin ito paka-kawalan dahil baka mag-iba pa ang complexion ng series namin kapag nanalo pa ang Letran sa Game 2,” wika ni coach Raymund Valen-zona sa kanyang Staglets, tinalo ang Squires, 90-72, sa Game 1 tampok ang 28 puntos, 15 boards at 10 assists ni Ronjay Buenafe. (Russell Cadayona)

AARON ABAN

ARANETA COLISEUM

GAME

LETRAN

SAN BEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with