^

PSN Palaro

Si Barrios ang OIC

- Ni Russell Cadayona -

Matapos ang halos apat na taon na pagka-wala sa professional basketball scene, muling makikita si dating PBA executive director Re-nauld “Sonny” Barrios sa mga basketball venues.  

Sa bisa ng isang una-nimous decision, tinang-hal ng 10 miyembro ng PBA Board of Governors si Barrios bilang officer-in-charge (OIC) kahapon sa kanilang mahalagang pulong sa Makati City. 

”He’s very excited about it and bukas (nga-yon) ng umaga umpisa na ang trabaho niya and he will start preparing for the upcoming Rookie Draft and the 33rd season of the PBA,” sabi ni PBA chairman Ricky Vargas ng Talk ‘N Text kay Barrios. 

Idinagdag ni Vargas na awtomatiko nang mabu-bura sa listahan ng mga kandidato para sa pagi-ging Commissioner ng pro league si Barrios.

”Iyong OIC, napagka-sunduan ng Board, na hindi na dapat maging kandidato sa pagiging Commissioner so that he can concentrate on being an OIC and Sonny accepted it on that basis,” ani Vargas.  

Maliban kay Barrios, naging kanang kamay sa kapanahunan ng nama-yapa nang si dating PBA Commissioner Jun Bernardino, ang apat pang nasa ‘short list’ ng PBA Board para sa puwesto ng OIC ay sina dating Sen. Freddie Webb, dating PBA player Ed Cordero, RP women’s team coach Fritz Gaston at corporate man Lambert Ramos. 

Tungkol naman sa ‘short list’ sa pagiging Commissioner na papalit sa nagbitiw na si Noli Eala, inaasahan ni Vargas na matatagalan pa ito bago mapanalisa. 

“Siguro it will take some time. Baka in two months time malalaman na natin ‘yan,” sabi ng outgoing PBA chairman. “The Board created a Nomination and a Search  Committee to take a look at the candidates. Talk to them, get their credentials, see if they match with the requirements and then present it to the board.”

Sa kabila ng kabi-guang kilalanin bilang OIC, pumasok naman sa listahan ng Commis-sionership ang pangalan ni Webb, dagdag ni Var-gas.

vuukle comment

BOARD OF GOVERNORS

COMMISSIONER JUN BERNARDINO

ED CORDERO

FREDDIE WEBB

FRITZ GASTON

PBA

VARGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with