^

PSN Palaro

‘Silent heroes’ ng PBA pararangalan ngayong gabi

-

Magtitipon-tipon ang mga dati at kasalukuyang PBA officials at ilang mga league stars sa pagta-tanghal ng PBA Press Corps ng 2007 edition ng annual awards ngayong gabi sa Bayview Park Hotel sa Roxas Blvd.

Sina Ginebra coach Jong Uichico at PBA board chairman Ricky Vargas ang mga major awardees bilang Coach of the Year at Executive of the Year, ayon sa pagkakasunod.

Tatanggapin ni Uichico ang Baby Dalupan Trophy habang ang Danny Floro trophy naman ang tatang-gapin ni Vargas sa PBAPC bash na co-presented ng San Miguel Corp. at Talk N Text.

Magsisimula ang programa sa alas-8:00 ng gabi kung saan emcees ang mga veteran sportscasters na sina Quinito Henson at Ed Picson.

Panauhin ang pamilya at kaibigan ng yumao nang si dating PBA commissioner Emilio “Jun” Bernardino na gagawaran ng Hall of Fame award.

Si Samahang Basket-bol ng Pilipinas president Manny V. Pangilinan ang guest of honor at speaker sa awards night kung saan gagawaran sina Wynne Arboleda bilang Defensive Player, Gary David bilang Comeback Player at  Christian Calaguio bilang Mr. Quality Minutes.

Paparangalan din sina Kelly Williams, Arwind San-tos, LA Tenorio, Jay-R Re-yes at Jireh Ibanes bilang All-Rookie Team habang si Mario Montiel ang Referee of the Year. Bibigyan naman ng special citation ang San Miguel Corp., Talk N Text, Accel, ABC-5 at si Dorian Peña sa kanilang pagsu-porta sa press corps.

Ito ang ikalawang pag-kakataong tinanghal na Coach of the Year si Uichico na unang tumanggap ng   Baby Dalupan Trophy no-ong 2000. Ibinigay sa kanya ang naturang award mata-pos ihatid sa kampeonato ang Gin Kings sa PBA Philippine Cup sa kanyang unang kumperensiya bilang coach ng Ginebra mula sa San Miguel Beer.

vuukle comment

ALL-ROOKIE TEAM

ARWIND SAN

BABY DALUPAN TROPHY

BAYVIEW PARK HOTEL

COACH OF THE YEAR

SAN MIGUEL CORP

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with