^

PSN Palaro

Pagkawala ni Menk ramdam ng GSM

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
May mga ilang partido na nag-aalok kay Robert Jaworski na tumakbo uli sa pagka-senador.

Tanggapin kaya niya?
* * *
Nanay ni Manny Pacquiao, nagbantang lalayas kapag kumandidato si Pacman sa susunod na eleksyon.

Nakupo.....
* * *
Ngayon higit nararamdaman ng Ginebra ang pagkawala ni Eric Menk.

Ngayon higit na nalalaman ng Ginebra na napakahalaga talaga sa kanila ni Menk.

Na mukhang hindi sapat ang kakayahan nina Mark Caguioa at Jayjay Helterbrand kapag hindi nila kasama si Menk.

Nung Miyerkules, obvious na talong-talo sa gitna ang Ginebra.

Tutuo na marami ang umaasa at nagdarasal na makapasok ang Ginebra sa finals. Pero ganyang wala si Menk, ewan kung paano.

Tingnan natin kung anong milagro pa ang magagawa ng Ginebra.
* * *
Nasa bagong TV commercial ng Ginebra San Miguel si James Yap kasama si Bata Reyes.

Puwede ba ‘yun eh nasa Purefoods team siya, tanong ng iba.

Opo, puwede yun kasi SMC property naman si James kahit na nasa Purefoods siya.
* * *
Sangkaterba ang nakipaglibing sa yumaong player na si Gido Babilonia last week.

Kuwento ni Rellie De Leon, more than 60 cars ang naghatid kay Gido sa kanyang huling hantungan.

Mabait na tao at magaling na kaibigan si Gido, kaya nga nakita kung gaano karami ang nagmamahal sa kanya.

Isa si Gido sa mga naging talents ni Rellie noon at maging siya ay lungkot na lungkot sa biglang pagkawala ni Gido.

Mabuti na nga lang daw at nung matapos na sa kanyang paglalaro ay naging magaling na negosyante itong si Gido kaya naman naging maganda na ang buhay nila at ngayon ay secured na ang pamilya niya.

vuukle comment

BATA REYES

CENTER

ERIC MENK

GIDO

GIDO BABILONIA

GINEBRA

GINEBRA SAN MIGUEL

MENK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with