^

PSN Palaro

Tigers pinabagsak ang Dragons

-
Nagpakitang gilas ang Fil-Am rookie na si Chris Pacana nang magbida ito sa final quarter para sa Coca-Cola tungo sa kanilang 92-86 panalo laban sa bagong saltang Welcoat Paints sa pag-usad ng elimination ng Talk N Text-PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Umiskor si Pacana ng 14-puntos sa ikaapat na quarter kabilang ang apat na puntos sa huling 18.8 segundo ng labanan tungo sa ikatlong panalo ng Coke matapos ang pitong pakikipaglaban.

Naipalasap ng Tigers ang ikalimang talo sa Dragons sa likod ng pagkawala nina Ali Peek (knee injury), William Antonio (groin) at Neil Raneses (may emergency sa pamilya).

Tumapos si Pacana ng 18-puntos sa likod ni Allan Salangsang na nanguna sa Tigers sa kanyang 21-puntos.

Habang sinusulat ang balitang ito, nakikipaglaban ang Ginebra na nais bumangon sa dalawang sunod na talo sa kulelat na Alaska. (Mae Balbuena)

vuukle comment

ALI PEEK

ALLAN SALANGSANG

ARANETA COLISEUM

CHRIS PACANA

MAE BALBUENA

NEIL RANESES

PACANA

PHILIPPINE CUP

TALK N TEXT

WELCOAT PAINTS

WILLIAM ANTONIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with