^

PSN Palaro

Altas, Blazers nakahirit ng panalo

-
Sa kabila ng pagkakatalsik sa Final Four, itinuring pa rin ng University of Perpetual Help Dalta at College of St. Benilde na mahalaga ang kanilang huling laro. 

Tinalo ng Altas ang five-time champions San Sebastian Stags, 85-69, samantalang iginupo naman ng Blazers ang Jose Rizal U Heavy Bombers, 69-68, para isara ang elimination round ng 82nd NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Tinapos ng UPHD ang kanilang kampanya sa 5-9 rekord kasunod ang San Sebastian (4-10), Jose Rizal (4-10) at St. Benilde (3-11). Ipinoste ng Altas ang 74-59 abante sa 4:57 ng fourth quarter mula sa isang fadeaway ni Khiel Misa hanggang makalapit ang Stags sa 67-76 buhat sa isang 8-2 atake nina Jim Viray, Gilbert Bulawan at John Raymundo sa huling 2:54 nito.  

 Isang freethrow naman ni Mark Cagoco ang nagbigay sa Heavy Bombers ng 66-62 abante sa 1:35 ng final canto bago ang split ni Antonio Cadiz at dalawang dikit na basket nina Will Johnston at David Urra III para sa 67-66 lamang, 42.7 segundo rito. 

Dalawang mintis na charities ni Urra para sa St. Benilde ang nagresulta sa charities ni Cagoco para sa 68-67 pag-ungos ng Jose Rizal sa huling 17.9 segundo. 

Samantala, isang stern warning naman ang ibinigay ng NCAA Management Committee (ManCom) kay  Kelvin Dela Peña ng Mapua at isang one-game suspension ang ipinatikim sa kasama nitong si Joeferson Gonzales mula sa rekomendasyon ni NCAA Commissioner Jun Bernardino base sa kani-kanilang flagrant foul sa laban ng Cardinals at San Beda Red Lions noong Miyerkules.  (Russell Cadayona)

vuukle comment

ALTAS

ANTONIO CADIZ

COLLEGE OF ST. BENILDE

COMMISSIONER JUN BERNARDINO

DAVID URRA

FINAL FOUR

GILBERT BULAWAN

JOSE RIZAL

ST. BENILDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with