^

PSN Palaro

Adducul ‘di pakakawalan

-
Kailangang magsimula muna ng pakikipag-negosasyon ang Welcoat Paints kung seryoso sila sa kanilang nais na makuha ang dati nilang player na si Romel Adducul mula sa Barangay Ginebra.

Lumalabas ang balitang interesado ang bagitong koponan ng Philippine Basketball Association (PBA) na Dragons kay Adducul at handa silang magbigay ng tatlong players.

Gayunpaman, ayon sa isang opisyal ng Gin Kings, wala pang pormal na pakikipagnegosasyon ang Welcoat Paints.

Kasalukuyan pang nasa Brunei ang Ginebra na lumalaro sa Sultans Cup.

Gayunpaman, sinabi ng opisyal na kahit na noong bago pa umalis ang Ginebra ay walang pormal na komunikasyon ang Welcoat Dragons.

Ayon sa mga ulat, handa ang Welcoat na ibigay ang isa sa kanilang tatlong direct hires mula sa kanilang PBL team na si Jun Jun Cabatu at ang kanilang first round pick na si Abby Santos o future first round picks kapalit ni Adducul.(Mae Balbuena)

vuukle comment

ABBY SANTOS

ADDUCUL

BARANGAY GINEBRA

GAYUNPAMAN

GIN KINGS

GINEBRA

JUN JUN CABATU

MAE BALBUENA

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

WELCOAT PAINTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with