^

PSN Palaro

Sino’ng pipiliin mo?

GAME NA! - Bill Velasco -
Sa PBA Rookie Draft ngayong araw, sino ang napupusuan nin-yong maging number one pick? Sino ang ubod ng galing na karapat-dapat pumasok sa kasaysayan ng liga?

Ilan sa mga kilala nang panga-lan ay talaga namang napatuna-yan na. Una na diyan si Kelly Williams. Sa taas niyang 6’4", halos lahat ng posisyon ay kaya niyang laruin, at sa huling PBL Unity Cup, pinatunayan niya ang kanyang sipag din. Isa siya sa tatlong manlalaro na nagtala ng double figures sa scoring at re-bounding. Malapit na papangala-wa sa aking pananaw si Arwind Santos. Bagamat bumaba ang kanyang iskoring sa Unity Cup, matatag pa rin ang kanyang re-bounding, at mas malawak ang kanyang shooting ngayon. Suwak siya sa small forward sa kahit aling koponan.

May mga manlalaro ring may paglalagyan talaga, at maaasa-hang may iaambag, kahit bagu-han pa. Isang halimbawa si LA Tenorio. Hinog na ang dating Ate-neo Blue Eagle, at mas magan-dang pumili ng tira ngayon. Kapag naturuan siya ng mas beterano sa kanyang point guard, wala ka nang hahanapin pa sa kanya.  Halos ganito rin ang masasabi kay Jo-seph Yeo, na walang inuurungan sa labanan. Maganda ang outside shooting, sumasaksak sa loob, at di pa napapansin na magaling siyang dumepensa. Kung mapipi-gilan ni Yeo ang init ng ulo, malayo ang mararating nito.

Samantala, may ibang player na nalagpasan na ang inaakalang kakayahan nila. Una na rito si Aaron Aban ng Letran Knights. Sa ganang akin, kahit sinong coach ay masisiyahan sa isang shooting guard gaya niya. Mahirap pigilan ang kanyang fadeaway, malakas ang pangangatawan niya, hindi takot tumira. At higit sa lahat, matin-di rin sa depensa, kaya’t wala kang masasabi.

Isang katanungan para sa ilan ang kakampi niyang si Boyet Bau-tista. Napatunayan na ni Bautista na kahit sino ay kaya niyang saba-yan, subalit ang puna ng ilan ay ang kanyang taas. Sa PBA, mas pisikal ang laro, at siguradong popostehan siya ng mga makaka-laban. Kung mapupunta siya sa isang team na magaling sa help defense, walang problema. At di dapat maliitin ang kakayahan niyang magdala ng team.

Samantala, si Gabby Espinas naman ay may kailangang patu-nayan. Sa NCAA, tinanghal si-yang MVP dala ng kanyang athle-tic ability. Pero, sa taas na 6’4", ang Philippine Christian University Dolphin ay alanganing mag-sentro sa PBA. Kung gaga-lingan pa niya ang kanyang out-side shooting at footwork, makakahanap siya ng magandang puwesto bilang small forward sa PBA.

Para sa akin, dapat ding ma-kuha ang katulad ni Mark Andaya ng Letran. Sa taas na 6’7", siya marahil ay ang pinakamagaling na pumasa mula sa low post. Hindi rin matatawaran ang kakayahan niyang tumakbo. Kailangan lang sigurong magpalaki siya ng katawan, para hindi siya matinag sa ilalim. At pag may panigurado siyang tira, maraming koponan ang sasakit ang ulo sa kanya.

Marami naman ang hindi na-kakaalala kay Chris Pacana, da-ting point guard ng St. Francis of Assisi.

Bagamat mahigit isang taon siyang nawala, nagpakundis-yon naman siya sa pamamagitan ng pakikipaglaro sa mga Fil-Am na kasalukuyang off-season sa PBA, PBL at iba pang liga. Marami akong magandang naririnig tung-kol sa bata, at matapang siyang maglaro.

Abangan na lang natin ang mga sorpresa sa draft.
* * *
Panoorin ang programang The Basketball Show, mamayang alas-2:00 ng hapon sa RPN 9.

AARON ABAN

ARWIND SANTOS

BAGAMAT

BASKETBALL SHOW

BLUE EAGLE

BOYET BAU

KANYANG

SIYA

UNITY CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with