^

PSN Palaro

Letran nais isahan ng JRU

-
Ang manalo lamang sa nagdedepensang Letran College ay isa nang malaking karanga-lan para sa Jose Rizal University. 

"Siyempre, defending champion ‘yan at talagang malaki ang respeto ko sa Letran aside from coach Louie Alas.

Kapag nanalo kami, parang nanalo na rin kami ng championship," ani coach Ariel Vanguardia sa pakikipagtagpo ng kan-yang Heavy Bombers sa Knights ni Alas ngayong alas-2 ng hapon sa second round ng 82nd NCAA men’s basketball tournament sa Ninoy Aquino Stadium. 

Tangan pa rin ng San Beda ang pangunguna sa likod ng kanilang  9-1 rekord kasunod ang Letran (8-1), Philippine Christian University (8-2), Mapua Tech (5-4), five-time champions San Sebastian (3-7), Jose Rizal (2-7), University of Perpetual Help Dalta (2-7) at College of St. Benilde (1-9). 

Nasikwat ng Heavy Bombers ang kanilang ikalawang panalo mata-pos gitlain ang Cardinals 73-69, noong Biyernes, habang umiskor naman ang Knights ng isang 66-54 panalo sa Altas noong Miyerkules para sa kani-lang two-game winning streak matapos mantsa-han ng Red Lions ang kanilang 6-0 rekord sa first round. 

Sa kabila ng kanilang pagiging paborito, hindi binabalewala ni Alas ang tropa ni Vanguardia, assis-tant niya sa Toyota Otis Sparks sa PBL.

 "We cannot take them lightly kahit na nasa ibaba sila ng standings because anything can happen dito sa second round," wika ni Alas sa Jose Rizal. "We have to play aggressive on both ends of the court." 

Muling aasahan ng Knights sina Boyet Bau-tista, Aaron Aban, Mark Balneg at rookie RJ Jazul katapat sina Floyd Dedi-catoria, John Wilson, James Sena at Marc Cagoco ng Heavy Bombers.  

 Sa ikalawang laro sa alas-4 ng hapon, magha-harap naman ang Mapua at ang UPHD kung saan asam ng Cardinals na mamintine ang kanilang pag-upo sa No. 4 spot patungo sa Final Four. (Russell Cadayona)  

AARON ABAN

ARIEL VANGUARDIA

BOYET BAU

COLLEGE OF ST. BENILDE

FINAL FOUR

FLOYD DEDI

HEAVY BOMBERS

JAMES SENA

JOSE RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with