^

PSN Palaro

Manalo, sumargo agad ng panalo

-
THAILAND--Hindi man lamang kina-kitaan si Marlon Manalo ng senyales ng pagkakaroon ng jet-lag o kaya ay kapa-guran ng kanyang buksan ang kampanya ng Philippines sa impresibong 9-4 panalo laban kay Nguyen Phuc Long ng Vietnam sa Group 2 kahapon sa panimula ng second leg ng four-city San Miguel Asian 9-Ball Tour 2006 dito sa Bang Na hall.

Si Manalo ay dumating dito noong Huwebes ng hapon, ilang oras matapos ang maikling stopover sa Manila matapos ang kanyang flight mula sa Las Vegas, Nevada.

Gumawa ang tubong Mandaluyong City ng pagsablay sa kanyang unang laban sa group stage na itinakda ng umaga kahapon.

Gayunpaman, hindi nagpaapekto ang 2005 World pool semifinalist nang kanyang kontrolin ang laban sa kaagahan at iposte ang 3-0 bentahe laban sa Vietna-mese foe.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang nakikipagtumbukan ang tatlong iba pang Pinoy sa pangunguna ng first leg champion na si Efren ‘Bata’ Reyes, Francisco ‘Django’ Bustamante at Ramil Gallego.

vuukle comment

BALL TOUR

BANG NA

BATA

LAS VEGAS

MANDALUYONG CITY

MARLON MANALO

NGUYEN PHUC LONG

RAMIL GALLEGO

SAN MIGUEL ASIAN

SI MANALO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with