^

PSN Palaro

Sisiw lang si Larios kay Pacman

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Kahit na anong ginawa ni Philander Rodman, di siya nakalapit at di niya nakausap si Dennis Rodman. Hindi mapa-tawad ni Dennis ang kanyang ama sa kung ano mang kasala-nan ang nagawa nito sa kanya nung bata pa siya. Ever ready ang mga bodyguards ni Dennis Rodman kaya hindi nga nakalapit si Philander sa kanya. Ayaw pa naman ng mga Pilipino sa mga di marunong magpatawad, lalo na sa isang magulang. Ewan kung maaawa tayo kay Philander o ano, pero bali-baligtarin mo man ang mundo sabi nga nila, ang ama ay ama mo pa rin.
* * *
Ang galing-galing naman ng La Salle women’s volleyball players. Patuloy silang namamayagpag sa Shakey’s V League kahit na naglalaro sila sa kampo ng Ateneo De Manila University.
* * *
Sangkaterbang bading na ang nagbigay ng indecent proposals. Sangkaterbang bading na ang nag-offer ng kung anu-ano -- bagong sapatos, kotse, alahas. Sangkaterbang bading na ang nanligaw sa kanya. Dahil bukod sa guwapo, matangkad at galing sa glamorosong eskuwela nung nasa college pa ang bata pang PBA player na ito, balitang-balita na napakalaki ng kanyang "hinaharap". n short, matindi ang kargada niya. Pero sa dami nang nanligaw, walang nakalusot kahit isa. Walang pumasa. Nakipag-kaibigan siya, pero kahit kailan, hindi siya natukso sa mga offers sa kanya ng mga bading. Simple lang ang kotseng gamit-gamit niya. Nakatira pa rin siya sa dating bahay niya kahit na maraming bading na ang nag-offer sa kanya ng libreng condo. Hindi rin mama-halin ang cellphone na gamit niya. At kahit na sangkaterbang babae ang naghahabol sa kanya, stick to one siya sa kanyang girlfriend. Kakaunti na ang ganitong klase ng guwapong basketball player.
* * *
Pagmasdan nyo ang mga press releases na lumalabas tungkol sa makakalaban ni Pacquiao na si Larios. Pinapala-bas na nilang isang malakas na boksingero itong si Larios at delikado na si Manny. But the record speaks for itself-- kung sinu-sino lang mga boksingero ang tumalo kay Larios sa recent fights niya. Pinapalabas na nilang mas malakas pa si Larios kina Barrera at Morales combined. Maniniwala ba tayo dyan? Kailangan nilang painitin ang laban na yan dahil mukhang hindi masyadong matunog at mukhang parang di masyadong interesado ang mga Pinoy. Parang ang alam kasi ng mga Pinoy--sisiw na sisiw lang itong si Larios kay Manny.
* * *
Personal: Happy birthday to our good friends Maristela Fontanos (May 4) na nandito ngayon sa Pilipinas at kay katotong Jun Lalin. Advanced happy birthday na rin kay Aster Amoyo who celebrates on May 10.

ASTER AMOYO

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

CENTER

DENNIS RODMAN

JUN LALIN

LARIOS

SANGKATERBANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with