^

PSN Palaro

Umaatikabong bakbakan ng Red Bull at Ginebra

-
Asahang magiging matensiyon ang tampok na laban ngayon sa pagi-tan ng crowd favorite at defending champion Ba-rangay Ginebra at ng bigating Red Bull sa pag-papatuloy ng Gran Mata-dor Brandy PBA Philip-pine Cup sa Araneta Coliseum.

Mayroon nang history ang dalawang koponang ito sa girian ng kani-kani-lang mga fans at inaasa-hang muling mabubuhay ang kanilang namuong rivalry sa alas-7:35 ng gabing sagupaan.

Hangad ng Gin Kings na paigtingin ang kanilang kampanya sa pagta-tanggol ng titulo laban sa Red Bull na nais namang buhayin ang kanilang kampanya matapos ma-sadlak sa apat na sunod na kabiguan.

Dahil dito, inaasahang magiging mainit ang laba-nan ng dalawang kopo-nang ito lalo pa’t nasa kani-kanilang likuran ang mga masusugid na fans na minsan nang nagka-rambulan.

Magsisilbing pampa-gana sa laban ng Ginebra at Red Bull ang sagupaan ng Sta. Lucia at Talk N Text sa alas-4:40 ng hapon.

Magkasalo sa 4-4 record ang Phone Pals at ang Gin Kings sa likuran ng league leader na San Miguel Beer na may matayog na 8-2 karta tampok ang kanilang six-game winning streak kasunod ang Purefoods Chunkee at ng Coca-Cola na parehong may 6-3 kartada.

Binaon ng Gin Kings ang alaala ng kanilang ikalawang sunod na pag-katalo laban sa SMBeer sa 94-103 noong Abril 9 sa Holy Week Break at hangad nila itong ibaon sa limot sa tulong nina Eric Menk, Romel Adducul, Mark Caguioa at Jayjay Helterbrand.

Bagamat pinapabo-rang manalo ang Phone Pals sa kanilang laro kontra sa Realtors, kaila-ngan nilang mag-ingat sa Sta. Lucia na hangad maibangon ang kulelat na 2-6 win-loss slate. (CVO)

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

ERIC MENK

GIN KINGS

GINEBRA

GRAN MATA

HOLY WEEK BREAK

JAYJAY HELTERBRAND

KANILANG

PHONE PALS

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with