Matutunog na istorya ng 2005
January 1, 2006 | 12:00am
Maraming malalaking kaganapan sa larangan ng sports nitong nagdaang 2005.
May balitang, positibo, negatibo at kontrobersiyal ngunit mas magandang gunitain ang nagdaang taon ang malalaking tagumpay ng atletang Pinoy sa ibat ibang larangan ng sports.
Narito ang top-10 stories ng sports na napili ng Pilipino Star Ngayon Sports Editorial:
No. 1 ANG TAGUMPAY NG TEAM PHILIPPINES SA 23RD SEA GAMES Sa kauna-unahang pagkakataon sapul nang makibahagi ang bansa sa biennial meet na ito noong 1977, ngayon lamang nakatikim ang bansa ng overall title. Ang 113 gold medals ng mga Pinoy athletes na naging daan upang agawin ang overall title mula sa Vietnam. Pinagbidahan ng swimmer na si Miguel Molina na siyang tanging triple individual gold medalists ng bansa ang tagumpay ng mga Pinoy kasama ang mga triple gold medalists ding sina diver Sheila Mae Perez, rower Benjamin Tolentino at cue artist Alex Pagulayan. May paratang ang ilang bansa ukol sa pandaraya sa officiating ngunit hindi ito nakapigil sa buong bansa para namnamin ang malaking tagumpay ng mga atletang Pinoy.
No. 2 ANG TAGUMPAY NINA MANNY PACQUIAO, REY BOOM BOOM BAUTISTA AT BRIAN VILLORIA Binigyan ng tatlong boksingerong ito ang mga Pinoy sa buong mundo ng dapat ipagmalaki dahil sa kani-kanilang impresibong tagumpay kontra sa magkakahiwalay na kalaban noong September 10 sa Staples Center sa Los Angeles, California. Naging matagumpay si Bautista sa kanyang US debut nang pabagsakin nito si Felix Murillo ng Columbia sa ikatlong round; Nakopo naman ni Villoria, isang Pinoy pug na naka-base sa Hawaii, ang World Boxing Council (WBC) lightflyweight crown nang patulugin nito sa loob lamang ng isang round si Mexican Eric Ortiz; at siyempre, muling naghatid ng karangalan ang pambatong Pinoy boxer ng bansa na si Pacquiao nang kanyang pabagsakin sa ikaanim na round ang Mexican ring si Hector Velasquez, sa kanilang 10-round non-title bout. Ang tagumpay na ito ni Pacquiao ay nagbigay sa kanya ng daan para muling kalabanin si Eric Morales, ang boksingerong tumalo sa kanya noong Mayo sa non-title fight din sa MGM Grand Garden Hotel.
No. 3 KONTROBERSIYA SA AMATEUR BASKETBALL Halos buong taon laman ng diyaryo ang kontrobersiyang ito. Nagsimula ito sa pagsususpindi ng Philippine Olympic Committee base sa rekomendasyon ni POC president Jose Peping Cojuangco sa Basketball Association of the Philippines (BAP) ni Joey Lina na siyang dahilan ng pagsuspindi ng International Basketball Federation o FIBA sa bansa sa anumang international tournaments. Dahil dito, nakawala ang titulo ng bansa sa Southeast Asian Games at nakabinbin ang lahat ng plano para sa basketball hanggat hindi nakakabuo ng bagong basketball association alinsunod sa Memorandum of Understanding na nilagdaan nina FIBA secretary general Patrick Baumann at Cojuangco kung saan dapat maging bahagi ang lahat ng basketball stakeholders.
No. 4 ANG TAGUMPAY NG BARANGAY GINEBRA Naging Makulay ang taong 2005 para sa Barangay Ginebra sa Philippine Basketball Association matapos makakuha ng tatlong sunod na titulo sa nagdaang season ng PBA. Matapos makopo ng Gin Kings ang korona sa transition tournament noong nakaraang taon, sinundan nila ito ng tagumpay sa Philippne Cup ng 30th season ng PBA na nagsimula ng kanilang season calendar. Tinalo ng Gin Kings ang Talk N Text, 4-2 sa best-of-seven championship series. Tinanghal na Most Valuable Player ng season si Eric Menk.
No. 5 LA SALLE SCANDAL Nabulabog ang lahat ng mga tagasubaybay ng University Athletics Association of the Philippines dahil sa eskandalong nilikha ng De La Salle University na umaming may dalawa silang ineligible players -- sina Tim Gatchalian at Mark Benitez-- na lumaro noong 2004 nang ma-agaw nila ang basketball title mula sa Far Eastern University. Nagsagawa ng sariling imbestigasyon ang La Salle at nangako silang ibabalik nila ang kanilang 2004 title. Hindi pa natatapos ang imbestigasyon ng La Salle at nagkaroon din ng sariling imbestigasyon ang UAAP Board ukol sa kontrobersiyang kinasangkutan ng team manager na si Manny Salgado. Isa-isang nag-resign ang mga opisyal ng basketball program ng La Salle kabilang si coach Franz Pumaren.
No. 6 ANG PAGBABALIK NG UAAP TITLE SA FEU Naging kapana-panabik ang finals ng University Athletics Association of the Philippines basketball tournament dahil muling nagharap para sa korona ang Far Eastern University at ang De La Salle University para sa rematch ng 2004 finals. Matapos mabigo ang Tamaraws sa pangarap na back-to-back title noong nakaraang taon, ipinagkait din nila ito sa La Salle. Isa itong bendikasyon para kay Arwind Santos na kumopo ng kanyang ikalawang MVP title matapos itong mabigong ihatid sa kampeonato ang Far Eastern noong nakaraang taon kaya ipinagpaliban muna niya ang pag-akyat sa pro-league upang ibalik sa Tamaraws ang korona.
Nagkaroon ng drama ang championship series nang sampalin ni La Salle team manager Manny Salgado si Arwind Santos na siyang dahilan para patawan ito ng lifetime ban.
No. 7 ANG PAGKAKASUSPINDI AT PAGBABALIK NG MGA FIL-AMS SA PBA Isang deportation order ang ipinag-utos ng Department of Justice (DoJ) at Bureau of Immigration noong nakaraang taon sa mga Fil-Am players na may kaduda-dudang papeles. Pinakamatunog ang kaso ni Asi Taulava ng Talk N Text na dinala sa korte ang isyu. Nagkaroon din ng bagong patakaran ang PBA ukol sa mga Fil-foreign players na hiningian ng authenticated documents para maipagpatuloy ang paglalaro kung saan 20-players ang nasuspindi. Gayunpaman, kinatigan ng korte ang kasong isinampa ni Taulava laban sa PBA at kusang binali ng PBA Board ang kanilang ipinatupad na alituntun at isa-isang bumalik sa aksiyon ang mga nasuspinding Fil-foreign players.
No. 8 NAGING GRANDMASTER NA SI MARK PARAGUA Ilang beses na ipinagkait kay Mark Paragua ang Grandmasters noong nakaraang taon at ngayon lamang niya nakamit ang katagang GM na kakabit ng kanyang pangalan. Isa si Paragua sa pitong chess players na inaprubahan ang GM title ng FIDE Qualification Commission sa 76th Congress sa Dresden, Germany. Gayunpaman, hindi nakasama si Paragua, ang nanguna sa kanpanya ng bansa sa 2003 Vietnam Southeast Asian Games sa pagkopo ng tatlong gold, sa RP chess team na kumampanya sa nakaraang 23rd SEA Games kung saan nabokya ang Pinas.
No. 9 ANG TAGUMPAY NINA EFREN BATA REYES at ALEX PAGULAYAN SA INTERNATIONAL TOURNAMENTS Naging malaking balita ang tagumpay ng 52-gulang na si Efren Bata Reyes sa IPT King of the Hill Shootout 8-Ball Championships sa Orlando, Florida nang igupo nito si Mike Sigel para sa premyong $200,000 ( P10.8 million) mula sa $1 million prize money. Hindi nakalaro si Reyes sa 23rd Southeast Asian Games dahil sa problema sa mata ngunit nakasali naman ito sa King of the Hill matapos magpalaser treatment. Nanalo naman si Alex Pagulayan ng $40,000 (P2.2 million), sa US Open.
No. 10 LETRAN, NCAA CHAMPION Nagbalik ang dating tikas ng Colegio De San Juan de Letran sa 2005 season ng National Collegiate Athletics Association nang kanilang makopo ang titulo. Sa tulong ni coach Louie Alas, naagaw ng Letran Knights ang titulo mula sa Philippine Christian University na kanilang tinalo sa 2-1 sa best-of-three championship series. (Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
June 22, 2026 - 12:00am
June 21, 2026 - 12:00am