Tanquingcen, PBA Press Corp. Coach of the Year
August 27, 2005 | 12:00am
Ang Ginebra coach na si Bethune "Siot" Tanquingcen ang runaway winner ng prestihiyosong Virgilio "Baby" Dalupan Trophy, bilang Coach of the Year awardee sa PBA Press Corps 12th Annual Awards kagabi sa Fiesta San Miguel Bar sa Dusit Hotel sa Makati.
Napili si Tanquingcen ng mga PBA scribes sa pagmando sa Barangay Ginebra Kings sa dalawang titulo sa transition PBA season na inabot ng isat kalahating taon.
Nagkaroon ng malaking pagba-bago ang Gin Kings nang kunin ni Tan-quingcen ang coaching job mula kay Allan Caidic na tumatayong team manager na ngayon ng Ginebra noong kalagitnaan ng 2004 Fiesta Cup, tungo sa titulo at sinundan niya ito ng kanilang tagumpay sa All-Filipino Cup.
Bago ito, hindi nanalo ng korona ang Ginebra sapul noong 1997 Com-missioners Cup sa ilalim ni player-coach Robert Jaworski kung saan isang sophomore player pa lamang ang 32-gulang na si Tanquingcen noon sa Sunkist.
Ang dating Santo Tomas point guard ang ikalawang coach na nanalo ng Dalupan Trophy sa kanyang rookie bilang coach na nagawa ni Purefoods coach Ryan Gregorio noong 2002 nang makihati ito sa Coach of the Year kay Chot Reyes ng Coca-Cola.
Bago palitan si Caidic, si Tanquing-cen ay tumatayong assistant coach ni Jong Uichico sa San Miguel.
Ang iba pang major award ay napunta kina San Miguel top official Henry Cojuangco bilang Executive of the Year, Dennis Espino bilang Defen-sive Player of the Year, Ronald Tubid bilang Mr. Quality Minutes, Jayjay Helterbrand bilang Comeback Player of the Year, Luisito "Boy" Cruz bilang Referee of the Year at ang All-Rookie team ay binubuo nina Rich Alvarez, James Yap, Ranidel de Ocampo, Paul Artadi at Sonny Thoss. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended