Lady Stags umusad sa semis

Pormal na umusad sa semifinal round ang San Sebastian College ng 2005 Shakey’s V-League first conference, makaraang payukurin ang Lyceum sa straight sets, 25-17, 25-19, 25-18, para sa kanilang ikaanim na panalo sa pitong asigna-tura sa Rizal Coliseum kahapon.

Nagtulong sina Cherry Macatangay at Jennifer Bohawe para sa Lady Stags na siniguro ang kanilang pagtapak sa susunod na round sa event na ito bago harapin ang top three team, sa kanilang huling tatlong laro sa double-round elimination phase.

Nagtala si Macata-ngay ng 17 point performance kabilang na ang 13 sa atake habang nag-pakawala ng tatlong ser-vice winners sa isa pang pagpapatunay ng kan-yang pagiging de-kalibreng manlalaro sa event na ito na hatid ng Shakey’s Pizza.

Ang panalo ay naglapit sa Lady Stags sa namumunong La Salle Lady Archers (6-0) na kasalukuyang nakikipaglaban sa Ateneo Lady Eagles para sa kanilang ikapitong panalo, habang sinusulat ang balitang ito.

Ang kabiguan ay ikawalo naman ng Lyceum sa torneong ito na suportado din ng Accel, Mikasa, IBC 13 at Jemah Television.

Show comments