^

PSN Palaro

ACES VERSUS BEERMEN

FREE THROWS - AC Zaldivar -
San Miguel Beer o Alaska Aces?

Alin sa dalawang koponang ito ang makakadiretso na sa semifinal round ng PBA Fiesta Cup sa pagpapatuloy ng torneo sa Miyerkules.

Nagtapos kasi nang may 11-7 karta ang Beermen at Aces para magsalo sa ikalawang puwesto sa likod ng Talk N Text na may 12-6. nakamit ng Phone Pals ang unang automatic semifinals berth.

Kung kampeonato ang pag-uusapan, mahalaga nga na makadi-retso sa semifinals kung saan mga dalawang linggong maghihintay ang isang team. Sa kaso ng Talk N Text, aba’y tatlong linggong maghihintay ang Phone Pals dahil sa nagkaroon pa ng ten-day break ang Fiesta Cup upang bigyang daan ang pagho-host ng bansa sa 16th FIBA-Asia Championship Cup kung saan ang RP team na hawak ni coach Vincent ‘Chot’ Reyes ang kumatawan sa Pilipinas.

So, mahaba-haba ang naging pahinga ng Phone Pals at may nangangambang baka makasama ito sa kanila bunga ng posibilidad na kalawangin sila.

Pero kung sina SMB coach Joseph Uichico at Alaska Aces coach Tim Cone ang tatanungin, mas gusto na nga nila na dumiretso sa semis at magpahinga kaysa naman lumaban pa sa ‘wild card’ phase at sa quarterfinals.

Buweno, ang matatalo sa sagupaan ng Beermen at Aces sa Miyerkules ay magkakaroon ng mas magandang tsansang umabante sa ‘wild card’ phase dahil may twice-to-beat advantage ito laban sa nangulelat na Coca-Cola Tgers. Aba’y patse-patse na nga ang line-up ng Tigers dahil may injuries sina John Arigo at Ali Peek. At kagaga-ling lang din sa injury ni Raffi Reavis. Isa pa’y hindi naman dominanteng import si Mark Sanford.

So, halos nakakatiyak na uusad sa best-of-five quarterfinals ang matatalo sa Beermen at Aces. Ito’y kung hindi magmimilagro ang Tigers.

Sa quarterfinals ang problema. Kasi, wala namang twice-to-beat advantage doon. So, medyo magtatagal at magkakaroon ng agam-agam ang alinman sa San Miguel at Alaska Aces. Posible pa silang malaglag at iyon ang nais nilang maiwasan.

So, sino nga ba sa Aces at Beermen ang may bentahe sa kanilang playoff?

Mahirap sabihin.

Pero kung titingnan ang dulo ng classification round, aba’y medyo maganda ang naging ratsada ng Alaska Aces simula nang dumating si Dickie Simpkins. Kaya nga siguro nagparating din ng bagong import ang San Miguel Beer sa katauhan ni Thomas Smith na ineksperimento nila sa kanilang huling laro kontra sa FedEx. Naghahanap siyempre ang San Miguel ng isang import na makakaparehas kay Simpkins bagamat kaya naman siguro itong gawin ni Chris Burgess.

Sa import ay lamang ang Alaska subalit sa locals ay medyo may bentahe ang San Miguel. Ang siste’y baka hindi pa pwedeng maglaro si Danny Seigle. Kung ganito ang mangyayari, marahil ay magiging underdog ang Beermen.

vuukle comment

ACES

ALASKA ACES

ALI PEEK

ASIA CHAMPIONSHIP CUP

BEERMEN

FIESTA CUP

PHONE PALS

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL BEER

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with