^

PSN Palaro

Grabe na ‘to!

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Kaya pala di matuloy-tuloy ang kasal ng isang sikat na basketball player at ang kanyang girlfriend eh dahil sa ina nung player.

Nakakaloka!

Ayaw daw ni nanay sa babae at tutol na tutol siya sa relasyon nung dalawa.

Kung bakit naman kasi nangingialam ang dakilang ina na ito?

Eh sa in love yung anak niya ke babae, ano pa bang magagawa niya?

Balita ko nga, live-in na si player at yung girlfriend.

Kasal na lang ang kulang. Eh kelan pa mangyayari yan?

Kung hindi papayag si madir, di na matutuloy?

Tingnan natin.
* * *
Pang ilang beses na nga bang na-tsismis na hiwalay na sina Ruffa Mae Quinto at Rudy Hatfield?

Pero maya-maya, bati na rin.

Si Dennis Trillo raw ang dahilan sa hiwalayan ng dalawa.

Na siyempre, ide-deny yan.

Hay naku!.

Oo nga pala, matagal nang hindi nanonood ng game ni Rudy si Rufa Mae.

Gets?
* * *
Kahit sino raw ang humabol sa import na ito eh walang mangyari.

Kahit sinong ibugaw sa kanya eh no pansin kay import.

Kaya pala, kasama niya ang girlfriend niya rito sa Pinas.

Guwardiyado.

Kakaiba sa isa pang import na gabi-gabi ay naghahanap naman ng tsiks na makaka-tsuk-tsakan niya.

Ayan, malapit na rin siyang pauwiin sa sama ng laro niya.

Kaloka!
* * *
Gabi lagi kung umuwi ang sikat na player na ito.

Kahit puwede nang umuwi ng maaga, mas type pa daw nitong magbabad sa mga parties.

Mas gusto niyang pag-uwi niya eh tulog na si misis.

vuukle comment

AYAN

AYAW

KAHIT

KAYA

NIYA

RUDY HATFIELD

RUFA MAE

RUFFA MAE QUINTO

SI DENNIS TRILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with