Rivero mapapasabak na vs Ukrainian

MADRID -- Sisimulan ng RP-Petron taekwondo team ang kanilang paghahanap sa kauna-unahang gintong medalya sa World Taekwondo Champion-ships na magsisimula ngayon sa state-of-the-art Palacio De Los Deportes dito.

Pinaghalong kabataan at karanasan ang bumuo sa lineup ng Filipinos na babanderahan nina Olym-pians Antoniette Rivero at Tshomlee Go kung saan asam nila na malampasan kung hindi man ay maduplika ang best finish ng bansa sa nasabing meet noong 1995.

Matapos ang 10-taong pagho-host ng bansa sa nasabing tournament kung saan nakasubi sila ng dalawang silver medals mula sa retirado ng si Roberto Cruz.

Mapapasabak ang 17-anyos na si Rivero sa Ukrainian na kalaban ngayon sa preliminaries ng women’s lightweight 63kgs. under-class.

Sina Go at ang Viet-nam Southeast Asian Games gold winner na si Dax Morfe ay nakatak-dang magpakita ng aksiyon sa Huwebes.

Ang iba pang miyem-bro ng koponan na suportado ng Petron, First Gentleman Foundation at Philippine Sports Commission (PSC) ay sina Loraine Lorelie Catalan, Aphrodite Bril-lantes, Kathleen Eunice Alora, Manuel Rivero, Carlos Jose Padilla V, Ernesto Juan Mendoza at Alexander Briones na nakatakdang sumabak sa aksiyon sa Biyernes.

Show comments