^

PSN Palaro

Bantog na PBA sharpshooters hahamunin ang tagapagmana

-
Apat na kilalang sharp shooter ng Philippine Basketball Association ay gugunitain ang kanilang nakalipas na glorya kahit panandalian lamang sa 2004 PBA All-Star Weekend.

Matapos agawin nina Robert Jaworski at Ramon Fernandez ang eksena mula kay Atoy Co sa Crispa vs Toyota legends noong nakaraang edisyon ng taunang All-Star, ngayon naman ay ang mga dating pistoleros ang hahamon sa kanilang mga tagapagmana sa 3 point shootout.

Pamumunuan ni Allan Caidic, ang may hawak ng PBA all-time record para sa pinakamaraming three point shots ang laban na tatampok sa All-Star’s skills competition na nakatakda sa Sabado sa Mandaue Sports Complex.

Makakasama ni Caidic, nagwagi sa contest noong 1992 edition All-Stars, ang tatlong Cebuano stars na namuno rin sa event na ito na sina Al Solis, Boy Cabahug at Roehl Gomez.

Makikipaglaban sa regular three-point shooting contest sa Sabado sina Mike Cortez ng Alaska, Rob Wainwright ng Coca-cola, Mark Caguioa ng Barangay Ginebra, Purefoods‚ rookie James Yap, Mick Pennisi ng Red Bull, Dondon Hontiveros ng San Miguel, Ronald Tubid ng Shell, Paolo Mendoza ng Sta. Lucia, Willie Miller ng Talk N Text, Ren-Ren Ritualo ng FedEx at defending champion Jimmy Alapag ng Talk N Text.

AL SOLIS

ALL-STAR WEEKEND

ALLAN CAIDIC

ATOY CO

BARANGAY GINEBRA

BOY CABAHUG

DONDON HONTIVEROS

JAMES YAP

JIMMY ALAPAG

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with