XI NICE Int'l Open Chess Tournament: Paragua,Salvador kumakapit

Naglista ng panalo sina Southeast Asian Games most bemedalled athlete at country’s ranked No. 1 player GM-candidate Mark Paragua at NM-candidate Roland Salva-dor ng Pilipinas sa magkahiwalay na laban para makisosyo sa ika-2 hanggang ika-4 na puwesto matapos makalikom ng tig 5.0 puntos at makahanay si defending champion GM Davor Komljenovic ng Croatia na napuwersa naman sa tabla kay GM Miroljub Lazic ng Yugoslavia matapos ang 41 moves ng Slav Defense sa sixth round ng XI Nice International Open Chess Tournament noong Biyernes ng gabi sa Grand Aston Hotel sa Nice, France.

Tangan ang depensang itim na piyesa, diniskaril ng 1998 World Rapid Under-14 champion na si Paragua ang kababayang si IM Ronald Bancod sa all-Filipino-showdown matapos ang 24 moves ng Sicilian Defense-Rosollimo variation habang nagpatuloy naman ang pananalasa ni Salvador matapos hiyain si IM Aurelien Dunis ng France sa 55 moves ng Catalan Opening.

Ang 20-year old na si Paragua ay nakatakda ring maglaro sa tatlong Grandmaster Tournament sa Alustha, Ukraine mula Agosto 27 hanggang Oktubre 3, 2004.

Nakuha naman ni IM Namig Gouliev ng Azerbaijan ang pangkahalatang liderato matapos makaipon ng 5.5 puntos sa bisa ng pagkapanalo kontra kay GM Nenad Sulava ng Croatia matapos ang marathon 68 moves ng Queen’s Gambit Accepted.

Sa isang banda, namayani din si newly-installed IM Yves Rañola kontra kay NM Rolly Martinez matapos ang 28 moves ng King’s Indian Defense-Four Pawns Attack variation sa isa pang all-Filipino match para makaipon ng 4.5 puntos at samahan si GM Lazic sa ika-5 hanggang ika-13 na puwesto.

Hindi rin nagpahuli sina Cebuano IM Joseph San-chez at NM Rolando Nolte ng Pilipinas matapos manaig kontra kina Jan Joris Groene-wold ng Netherlands at Patrick Maiffret ng France para maka-pagtumpok ng tig 4.0 na puntos at makasama sina IMs Bancod, Dunis at GM Sulava sa ika-14 hanggang ika-31 na puwesto.

Show comments