MAMI-MISS ANG DANNY BOYS
July 31, 2004 | 12:00am
Marami ang nanghihinayang sa pangyayaring hindi makapaglalaro sina Danny Ildefonso at Danny Seigle sa 2004 PBA All-Star Game na gaganapin sa susunod na linggo sa Cebu. Kasi ngay mga lehitimong superstars ang dalawang players na ito at pinananabikan talaga ng mga Cebuano na makita sila na personal na naglalaro at hindi yung sa telebisyon lang.
Pero kapwa nga nagpapagaling pa sa injuries ang dalawang Danny ng San Miguel at hindi naman sila puwedeng pwersahin. Baka sa halip na gumaling ang kanilang iniinda ay lalo pa itong grumabe at matagalan ang kanilang pagbabalik sa active duty.
Alam naman ng lahat na sina Ildefonso at Seigle ang 1-2 punch ni coach Joseph Uichico. Kapag isa sa mga ito ang may dinaramdam, malaki ang nawawala sa opensiba ng Beermen.
Hindi nga bat dalawang taon ding nadiskaril ang San Miguel Beer dahil sa hindi nga nila nakasama ang dalawang Danny. Noong 2002 ay kapwa naging miyembro ng RP Team sa Busan Asian Games sina Ildefonso at Seigle kasama sina Olsen Racela at Dondon Hontiveros. Si Uichico din ang nagsilbing head coach ng Philippine squad. Kaya nga hanggang semis lang ang inabot ng San Miguel sa ilalim ng interim coach na si Bethune Tanquingcen na ngayon ay siyang may hawak ng Barangay Ginebra.
Noong isang taon ay hindi pa rin nakasama ng Beermen si Seigle dahil sa pabalik-balik ang kanyang injury. Hayun at muling nabigo ang San Miguel na makapamayagpag.
Pero nitong nagdaang Gran matador-PBA Fiesta Conference ay nabuo ang tropa ng Beermen at nanguna nga sila sa elimination round. Sila ang unang koponang nakarating sa quarterfinals.
Ang sistey nagluko naman ang kanilang import na si Art Long dahil sa nawalan ito ng concentration sa laro bunga ng "family problems" daw sa Estados Unidos. Big letdown ang nangyari dahil hindi umabot sa semis ang Beermen sa kabila ng kanilang magandang record. Pero nakalipas na nga iyon, e. Gumaling na ang sugat sa puso ng Beermen at ngayon ay handa nilang harapin ang panibagong hamon ng 30th season. Kaya naman nais nina Ildefonso at Seigle na gumaling na nang lubusan sa kanilang injuries. Hindi nila pipiliting maglaro kahit na nire-request at inaabangan sila ng mga Cebuano.
Sanay naintindihan nga ito ng mga fans sa Cebu. Tutal nga naman ay marami pang ibang superstars na kabilang sa All-Star Game.
Isa pa, kung tuluyang gagaling sa kanilang mga injuries sina Ilde-fonso at Seigle, mapapanood sila nang mas matagal hindi lang ng mga Cebuanos kundi ng lahat ng Pinoy na sumusubaybay sa PBA.
At malay ninyo, isa sa mga out-of-town games ng PBA kung saan lalaro ang San Miguel ay ganapin sa Cebu City. E, di okay na iyon.
Sana nga, isang game ng Beermen sa darating na 30th season na magbubukas sa Oktubre ang idaos ng PBA sa Cebu para makabawi sila!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended