^

PSN Palaro

80th NCAA Season: Altas binomba ng JRU

-
Gamit ang bagong sistema mula sa bago nilang taga-gabay, isang matatag na paglalaro ang ipinamalas ng Jose Rizal University upang pabagsakin ang host University of Perpetual Help Dalta System, 72-61, kahapon sa pambuenamanong sultada ng 80th NCAA season basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Nagsanib ng puwersa ang dalawang sophomore na sina Jenciano Domangcas at Michael Magtahao para iangat ang Heavy Bombers sa mainit na pasimula habang isang malaking pagtakbo naman ang pinangunahan ng mga beteranong sina Wynsjohn Te at MacDonald Santos sa huling yugto upang pigilan ang pagbangon ng Altas at tuluyang sungkitin ang panalo, na naglagay sa kanila sa tamang landas sa kanilang misyong tapusin ang 32 taong pagkagutom sa titulo.

"Swerte lang, nag-step-up yung ibang mga players ko. Nakalusot kami kahit wala sina Marco (Fajardo) at Edward (Attunaga)," wika ng bagong JRU mentor na si Cris Calilan, na pumalit sa posisyon ni Boy de Vera.

Ang 2-time mythical team member na si Fajardo ay nakatamo ng sprain sa paa sa unang minuto pa lang ng laro at nagtala lamang ng 3 puntos ha-bang si Attunaga naman ay hindi nakasalang dahil sa kaparehong injury.

Sa ikalawang laro, isang 11-3 run ang pinakawalan ng San Beda College sa huling dalawang minuto upang pigilan ang malaking pagba-ngon ng San Sebastian College-Recoletos at hatakin ang 76-68 tagumpay. (Ulat ni IAN BRION)

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

ATTUNAGA

CRIS CALILAN

FAJARDO

HEAVY BOMBERS

JENCIANO DOMANGCAS

JOSE RIZAL UNIVERSITY

MICHAEL MAGTAHAO

SAN BEDA COLLEGE

SAN SEBASTIAN COLLEGE-RECOLETOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with