^

PSN Palaro

PBL Unity Cup: Titular showdown preview

-
Sila ang dalawang pangunahing kandidato para sa Most Valuable Player award at sila rin ang pangunahing sasandigan ng kanilang koponan sa pagtatangka nitong makopo ang titulo ng Philippine Basketball League 2004 Unity Cup.

Walang dudang ang balikat ni Arwind Santos ang papasan sa Viva Mineral Water-FEU at ang kanyang ipamamalas na laro ang siyang magiging sukatan kung ito na nga ba ang panahon para pagharian ng Water Force ang liga matapos ang tatlong komperensya nilang paglahok dito.

Sa kabilang panig, si Jojo Tangkay pa rin ang numero-unong pambato ng Welcoat Paints at hindi lang ang mapasakamay ang tropeo ng MVP ang kanyang misyon kundi ang ibalik ang Paint-masters sa lupang pangako.

Matatandaang si Tangkay nasilat ni Peter June Simon sa naturang indibidwal na karangalan sa nakalipas na Platinum Cup, kung saan nabigo rin ang Paintmasters na masungkit ang korona nang pabagsakin sila ng Fash Liquid Detergent.

Bukod kina Santos at Tangkay, inaasahang magkakaroon din ng krusyal na papel sa best-of-5 titular series na ito ang iba pang miyembro ng dalawang koponan.

Ang Game 1 ay sasar-go bukas sa Pasig Sports Center.

Si Santos ay susuportahan nina Denok Miran-da, Mark Isip, Warren Ybanez at Gerard Jones para sa Viva habang si Tangkay at ang Welcoat ay kukuha ng karagdagang lakas mula kina Chester Tolomia, Marvin Ortiguerra, Dino Aldeguer, at Ariel Capus.

Kapwa naniniwala sina Water Force mentor Koy Banal at Paint-masters rookie coach Caloy Garcia, na isang napakahirap at mahigpit na serye ang nakatak-dang maganap, at ang koponang mas may puso at mas gutom sa karangalan ang siyang kara-pat-dapat magkampeon. (Ulat ni IAN BRION)

vuukle comment

ANG GAME

ARIEL CAPUS

ARWIND SANTOS

CALOY GARCIA

CHESTER TOLOMIA

DENOK MIRAN

DINO ALDEGUER

FASH LIQUID DETERGENT

TANGKAY

WATER FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with