^

PSN Palaro

Hot Babes muse ng PBL teams

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Sa Linggo na ang opening ng PBL.

Guests ang Viva Hot Babes bilang mga muses ng teams.

Titingnan natin kung mananatiling patok ang PBL kahit na kasabay nito ang PBA games.

Mahihirapan ang mga writers na nagku-cover ng basketball dahil madalas eh magkakasabay ang mga laro.

Nasa Channel 5 ang PBA, pero nasa Studio 23 naman ang PBL coverage.
* * *
Bukod kina Marvin Ortiguerra at Chester Tolomia, isa pang bagong player ng Welcoat Paints ay si Christian Guevarra.

Last season eh nasa reserved list lang itong si Christian pero ngayon ay ginawa na siyang regular player ni Coach Leo Austria.

Nakitaan siya ng malaking potensyal dahil flexible ang inilalarong puwesto nitong si Guevarra.

"Puwede siyang mag-uno at mag-dos at puwede rin siyang maglaro sa tres. Sa height niya, tiyak na magiging effective siya sa dos o uno. Maganda ang future ng batang yan sa basketball," sabi ni Coach Leo.

Dalawang taon ang pinirmahang kontrata ni Christian sa Welcoat.

"I just hope na I can live up to the expectations of Coach Leo at ng management. I really appreciate them dahil they made me feel so welcome to the team," sabi naman ni Christian.

Si Christian ay isang fifth year civil engineering student at tutuong nahihirapan siya na pagsabayin ang kanyang pag-aaral at ang kanyang paglalaro ng basketball.

May isang taon pa siya sa NCAA kaya lumalabas na dalawa ang practice niya sa isang araw.

Pero sabi nga niya, kailangan lang talaga ang time management to cope with his basketball and studies.

"Sacrifice talaga. Hindi naman ako puwedeng mag-absent sa practice ko sa school dahil malapit na ang NCAA. kaya naman madalas, pagkatapos ng isang practice, takbo naman dun sa isa. Tapos sa gabi, dun na ako nag-aaral. Mahirap siyempre, pero kailangan talaga ang tiyaga," dagdag pa ni Christian.

Pinangarap niya noon ang makarating sa NCAA pero ngayon, hindi lang siya sa NCAA kundi maging sa PBL na rin.

Inaamin niyang excited siya sa first game ng Welcoat at sa kanyang debut game sa PBL. Dream come true nga naman para sa kanya ang makapagsuot ng PBL jersey, at sa Welcoat pa.

At kahit bago pa lang sa line-up ng Welcoat si Christian–sigurado na siyang may no.1 cheerer at yan ay si Sharon, ang no.1 fan din ng Welcoat.

"Siya ang bago kong itsi-cheer sa PBL," sabi ni Sharon, ang pinakamalakas sumigaw na Welcoat fan sa PBL na ang idolo ay walang iba kundi si Sharon Cuneta.

Abangan kung gayon si Christian Guevarra, pinakabagong alas ng Welcoat Paint Masters.

vuukle comment

CHESTER TOLOMIA

CHRISTIAN

CHRISTIAN GUEVARRA

COACH LEO

COACH LEO AUSTRIA

MARVIN ORTIGUERRA

NASA CHANNEL

PBL

WELCOAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with