^

PSN Palaro

Excited na ang mga rookies

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
This is D Day para sa mga basketball players na naghahangad makilala, yumaman at magkaroon ng lugar sa PBA.

Mukhang very exciting ang drafting na ito dahil mas malalim ang mga pangalan na nasa first round. Ang mga sigurado na makukuha sa drafting at sa palagay ko eh mapapapirma na rin ay sina James Yap, Rich Alvarez, Marc Pingris, Paul Artadi, Gary David at Wesley Gonzales.

May iba ring Fil-Ams at Fil-Australians na mukhang makukuha.

Sa kabuuan, naniniwala kaming this is going to be an explosive start for PBA 2004.
* * *
Pakiusap lang--nakita na yang mga rookies na maglaro sa PBL. Naglaro din sila sa Rookie Camp noong last Sunday. Kumbaga, alam na nila more or less ang kalidad nang mga rookies. Sana naman, huwag na nilang kunin yung mga rookies for the sake of drafting them and not having any plans of signing them up.

Mas kawawa ang mga players na nakukuha sa drafting pero yun pala eh gagawin lang try-out player at hindi naman pala papipirmahin.

Ilang taon nang nangyayari ang ganyang sitwasyon.

At ang ending---kawawa ang mga players na kitang-kita na na-draft sa TV pero after only a few days, hayun at balik sa dating team dahil wala naman palang lugar yung kumuha sa kanya.
* * *
Subukan mong mag-ikot sa practice ng mga PBA teams ngayon.

Halos lahat ay nagpapa-tryout ang mga coaches.

Kaya kung sinu-sinong mukha ang makikita nyo at sa iba, maaawa kayo.

Mga dating sikat na sikat na players na nag-akalang walang katapusan ang kanilang kasikatan.

Tapos, ‘yung mga coaches, hindi rin naman maka-decide dahil hinihintay pa nga ang mangyayari sa drafting.

Tsk...tsk...tsk...
* * *
Hindi porke magaling, makukuha na.

‘Yan ang nangyayari ngayon kay John Arigo na walang takers.

Nagkaroon sila ng alitan ni coach Tim Cone at kita mo, walang kumuha sa kanya dahil na rin sa may ‘attitude problem’ daw.

vuukle comment

D DAY

GARY DAVID

JAMES YAP

JOHN ARIGO

MARC PINGRIS

PAUL ARTADI

RICH ALVAREZ

ROOKIE CAMP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with