^

PSN Palaro

De kalibreng hineta kasama sa listahan ng PSA Awards Night

-
Isang de-kalibreng hinete na minahal ng Bayang Karerista na nagpatabo ng multi-billion sa horse racing industry ang makakasama sa listahan ng mga sports achievers na kikilalanin ng Philippijne Sportswriters Association (PSA) sa darating na Annual Awards Night sa Enero 9 sa Manila Pavilion.

At sa ikalawang pagkakataon sa nakalipas na tatlong taon, muling hinirang si Patty Dilema na Jockey of the Year, na isa lang sa two-time winners ng nasabing award na ipinamimigay kada taon ng pinakamatandang media organization sa bansa.

Isa sa tatlong magkapapatid na Dilema na nasa aktibong duty bilang hinete, unang napagwagian ni Patty ang naturang award noong 2001. Kasabay nito, nagkakaisang napili para sa horse of the year award ang kabayong si Wind Blown, ang outstanding na kabayo na nagretiro na ilang linggo na ang nakakalipas ang tuluyang tumapos sa career ng isang pinakamahusay na local na kabayo ng bansa.

Pumukaw rin ng pansin sa mga karerista ang may-ari ng kabayong si Wind Blown na si Hermie Esguerra.

Sa nakalipas na limang taon, nag-akyat si Wind Blown ng mahigit sa P18 milyon na premyo, na ang karamihan ay pawang sa local horse. Ito rin ang ikatlong pagkakataon na ang anak ni Hazm at Wind In My Hair ay nanalo ng naturang award.

Taong 2001, nagsilbing sariling palabas ni Wind Blown ang karera ng nasabing taon nang kanyang makopo ang prestihiyosong Presidenteial Gold Cup at siya rin ang nagkakaisang napili para sa award na ito.

At bilang pagkilala sa kanyang panibagong maunlad na kampanya, nagtala,si Wind Blown ng panalo sa mga stake races simula noong 2001 na siyang ring naging daan upang mapili ng sportswriting community na manalo ng Horse of the Year award 2002.

Pararangalan rin ang Philippine Racing Commission sa ilalim ni Chairman Jaime C. Dilag sa dalawang oras na seremonya na hatid ng Red Bull and Agfa Colors at suportado ng Philippine Sports Commission, Philip-pine Olympic Committee, Manila Mayor Lito Atienza,Philippine Basketball Association at San Miguel Corporation.

vuukle comment

ANNUAL AWARDS NIGHT

BAYANG KARERISTA

CHAIRMAN JAIME C

HERMIE ESGUERRA

HORSE OF THE YEAR

JOCKEY OF THE YEAR

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MANILA PAVILION

OLYMPIC COMMITTEE

WIND BLOWN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with