^

PSN Palaro

Blu Star lumakas ang tsansa sa semis

-
Pinalakas ng Blu Star Detergent ang kanilang tsansa patungo sa semifinal round matapos ang 71-62 panalo kontra sa ICTSI-La Salle kahapon sa 2003 PBL Platinum Cup sa UST gym.

Pinangunahan ni ex-pro Jenkins Mesina ang Detergent Kings sa kanyang pagposte ng 14-puntos na sinegundahan naman ni Randy Lopez sa kanyang tinapos na 13-points at walong rebounds.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Blu Star, ikaapat matapos ang pitong pakikipaglaban na nagbigay sa kanila ng karapatang saluhan ang Fash Liquid sa ikatlong posisyon ng team standings.

"It’s our defense that gave us this win. We’re able to limit the production of their big men and at the same time na-break namin yung pressure defense ng La Salle. Yun talaga ang pinaghandaan namin coming into this game," anang winning coach na si Leo Isaac.

Umiskor din ang point guard na si Edrick Ferrer ng 13 puntos para sa Detergent Kings, na ngayo’y may 2 larong pagkakahuli na lamang sa bumabanderang Welcoat Paints.

Tumapos naman sina Joseph Yeo at Manny Ramos ng 15 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod, para pamunuan ang Archers ngunit nauwi sa wala dahil sa kanilang ikaapat na sunod na talo, ikaanim sa kabuuang 8-laro.

Dahil apat na teams lamang ang papasok sa semifinals, obligado na ang ICTSI na ipanalo ang kanilang mga natitirang laban para makahirit sa susunod na round.

vuukle comment

BLU STAR

BLU STAR DETERGENT

DETERGENT KINGS

EDRICK FERRER

FASH LIQUID

JENKINS MESINA

JOSEPH YEO

LA SALLE

LEO ISAAC

MANNY RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with