^

PSN Palaro

Chan, Figueroa kinapos

-
HANOI -- Kapwa nabigo sina top Filipina bet Jennifer Chan at Jasmin Figueroa na makasiguro ng medalya matapos mabigong makausad sa archery competition ng 22nd Southeast Asian Games sa National Sports Training Center 1 dito.

Natalo si Chan kay Fairuz Ibrahin ng Malaysia, 103-99 habang kina-pos naman si Figueroa kay Rina Dewi Puspita Sari, 100-99 sa Olympic Round quarterfinals.

Dahil sa pagkatalong ito, ang tanging pag-asa ng mga Pinoy ay ang mga male archers para sa gintong medalya sa kanilang pagsabak ngayon sa individual Olympic round.

Nakarating din sana sa semifinals ang isa pang Pinay archer na si Rachelle Ann Cabral ngunit nawala ang kanyang composure sa final shot sa kanyang round-of-16 showdown laban kay Fairuz.

Anim na puntos lamang ang kanyang kailangan para talunin si Fairuz ngunit nabitiwan nito ang kanyang pana nang umaasinta ito na siyang dahilan ng kanyang 0-points at tuluyang naitakas ng Malaysia ang 158-153 panalo.

Magsisimula ang la-ban nina Marvin Cordero, Florante Matan, Arnold Rojas at Christian Cubilla ngayong alas-10:00 ng umaga.

vuukle comment

ARNOLD ROJAS

CHRISTIAN CUBILLA

FAIRUZ

FAIRUZ IBRAHIN

FLORANTE MATAN

JASMIN FIGUEROA

JENNIFER CHAN

MARVIN CORDERO

NATIONAL SPORTS TRAINING CENTER

OLYMPIC ROUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with