Drug test lalong naging kuwestiyonable
June 6, 2003 | 12:00am
Nagpaliwanag kahapon sa House Committee on Youth and Sports ang mga PBA players na positibo sa ipinagbabawal na gamot.
Lalong naging kuwestiyonable ang drug testing na isinasagawa ng Department of Health at PNP Crime Laboratory sa mga players nang aminin ni Dr. Jose Raul Canlas, ng Philippine Sports Commission at medical director ng Philippine Center for Sports Medicines na malaki ang posibilidad na magbigay ng maling resulta ang mga dietary at supplement food at regulated drugs sa isang taong sasailalim sa pagsusuri.
Sa mga international competition aniya, pinapayuhan nila ang kanilang mga atletang sasailalim sa drug test na itigil muna ang mga iniinom na supplements dahil, maaari nga itong makapagbigay ng false-positive na resulta.
Karaniwan na aniyang hindi inilalagay sa opisyal na listahan bilang sangkap ng mga banned substance ang mga inilalagay sa dietary food supplement.
Pero nanindigan naman ang DOH at PNP Crime Laboratory na malinis at hindi paltos ang kanilang isinasagawang pagsusuri.
Dahil dito, pumayag ang mga PBA players na kinabibilangan nina Jun Limpot, Alex Crisano ng Ginebra, Norman Gonzales, Noli Locsin at Angelo David ng Talk N Text, Ryan Bernardo ng FedEx, Dorian Peña ng San Miguel, Davonn Harp ng Red Bull, na muling sumailalim sa drug test at nanindigan ding inosente sila at hindi gumagamit ng droga.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended