May asim pa ba si Paras?
June 6, 2003 | 12:00am
Sisimulan ni Benjie Paras ang panibagong kabanata ng kanyang basketball career kasama ang San Miguel Beer na magsisimula ng kanilang kampanya sa quarterfinals ng Samsung PBA All-Filipino Cup.
Bagamat hindi na ang dating Benjie Paras na kumopo ng dalawang Most Valuable Players award sa Shell, ang una nito ay kasabay ng kanyang Rookie of the Year na siya lamang ang nakagawa sa kasaysayan ng PBA, inaasahang malaki pa rin ang maitutulong ni Paras sa Beermen lalo pat wala si Dorian Peña na suspendido dahil sa drugs.
Kung may asim pa si Paras, yan ay malalaman ngayon, sa alas-7:30 ng gabing pakikipagharap sa Alaska sa PhilSports Arena.
"Were glad to have him around. We cant expect a lot because hes been gone awhile but considering our situation, its good to have him with us," ani San Miguel coach Jong Uichico.
Matapos ang 14 taong pagiging Turbo Charger, nagretiro si Paras bago magsimula ang season dahil sa kanyang injury sa tuhod na siyang dahilan ng kanyang pabugsu-bugsong paglalaro noong nakaraang season ngunit muli itong binigyan ng pagkakataon ng San Miguel na nagbigay sa kanya ng dalawang buwang kontrata matapos ma-impress sa beterano na naglaro sa San Miguel All-Stars, isang koponang binubuo ng mga beterano na lumilibot sa bansa para i-promote ang mga produkto ng San Miguel.
"Hes going to surprise a lot of people. And this is a perfect situation for him because hes motivated. He wants to prove something a lot to the people," ani Eric Altamirano, ang dating coach ng Purefoods na siyang nangasiwa sa All-Star Tour. "He dunks, runs the court well and bangs bodies. Hes in good shape."
Sa unang laro, magsasagupa naman ang Fed-Ex Express at Sta. Lucia Realty sa ganap na alas-5:00 ng hapon.
Nakauna na ng panalo ang Talk N Text at defending champion Coca-Cola noong Miyerkules sa pagbubukas ng quarterfinal round na single round lamang at ang top-two teams ng bawat grupo ay uusad sa cross-over best-of-five semifinals. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended