^

PSN Palaro

Foundation U, San Sebastian nagparamdam

-
BORACAY – Kapwa nagparamdam ng lakas ang 2001 champion Foundation University at NCAA men’s champion San Sebastian College nang kapwa mauna sa semis ng 7th Nestea Beach Volley University Championships na ginanap sa Station 2 Boracay Beach Resorts sand court dito.

Ipinamalas ni Kent Bulabon at ng kanyang bagong partner na si Reynald Catipay ang kanilang lakas at maigting na kampanya na maagaw ang titulo nang pabagsakin nila ang pares nina Raymond Yoldi at Arnold Laniog ng College of St. Benilde, 21-18; 21-19.

Mula sa 13-8 abante ng Foundation U sa second set, naghabol ang CSB duo at nagawa pang itabla ang iskor sa 19-all.

Ngunit hanggang dito na lang ang nagawa nila nang dalawang magka-sunod na tip-in ni Bulabon ang nag-selyo sa laban.

Nagtulong naman ang Stags duo nina Orland Mallazab at Raffy Mosuela para makopo ang isang upuan sa final four makaraang igupo ang tambalang Paolo Alessandro Herra at Jarod Hubalde ng University of the Philippines, 21-17, 21-17.

Sa kababaihan, nag-pauna na ang tambalang nina Florian Gutierrez at Janeth Ponte nang payukurin nila ang magkatambal na sina Ruwella Malbat at Mechell Matuguina ng University of San Jose Recoletos, 21-13, 21-18 para sa semifinals. (Ulat ni Dina Marie Villena)

vuukle comment

ARNOLD LANIOG

BORACAY BEACH RESORTS

COLLEGE OF ST. BENILDE

DINA MARIE VILLENA

FLORIAN GUTIERREZ

FOUNDATION U

FOUNDATION UNIVERSITY

JANETH PONTE

JAROD HUBALDE

KENT BULABON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with