^

PSN Palaro

Assumption-Pampanga bugbog sa Spring Cooking Oil

-
OZAMIZ CITY – Maningning na binuksan ng kasalukuyang Interclub champion Spring Cooking Oil ng Malabon ang kanilang kampanya sa National Basketball League’s Visayas-Mindanao leg crown nang kanilang talunin ang Pampanga’s University of Assumption, 87-79 noong Huwebes sa Gov. Angel Medina Memorial gym dito.

Nanalasa para sa koponan ni Nathaniel ‘Tac’ Padilla na Cooking Oil Masters ang mga bagong recruits na sina Francis Sanz at Rolly Menor katulong ang beteranong si Tyrone Bautista nang magpasabog ng 25 puntos sa third canto upang kunin ang 68-63 kalamangan na hindi na nila binitiwan pa.

Patuloy ang panguguna ng Shineway sa standing matapos na iposte ang 6-1 kartada, sumunod ang Cebu’s Lhuillier (5-2), Spring (3-4), Taguig ( 3-4), UA (2-5) at Wang’s (0-7).

Ang kompetisyon ay lilipat sa Linggo sa Cebu Coliseum na mayroong triplebill kung saan mag-haharap ang Taguig at Wang’s sa alas-4 ng hapon, titipanin ng Spring ang Shineway sa alas-5:30 at magbabakbakan naman ang Lhuillier at UA sa alas-7 ng gabi.

vuukle comment

ANGEL MEDINA MEMORIAL

CEBU COLISEUM

COOKING OIL MASTERS

FRANCIS SANZ

LHUILLIER

NATIONAL BASKETBALL LEAGUE

ROLLY MENOR

SHINEWAY

SPRING COOKING OIL

TAGUIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with